^

PSN Showbiz

Sobrang laki at sa sosyal na subdivision Vic nagpapatayo na ng bahay nila ni Pauleen?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Malaking bagay ang pagbabati ng pamilya Barretto (bukod lang kay Gretchen), kaya nagkabati rin sina Ruffa Gutierrez at ng Mommy niyang si Annabelle Rama.

Tatlong linggo na palang hindi kinakausap ni Tita Annabelle si Ruffa dahil sa isang pictorial na hindi ipinaalam sa kanya.

Kuwento ni Ruffa sa event ng Cosmo Skin na ini-endorse niya, nagkita nga raw sila sa debut ni Julia at nagkatabi raw sila ng upuan, parang wala lang daw na nagkatsikahan na sila at nagkabati na sila.

Ngayon daw ay tsikahan na sila nang tsikahan araw-araw na parang walang nangyari.

Malaking bagay daw ‘yung nasaksihan nilang pag-aayos ng pamilya Barretto na dapat silang nasa isang pamilya ay magkakaayos pa rin kahit magkaroon ng konting tampuhan.

PAK: May gagawin palang pelikula ang magkapatid na Aljur at Vin Abrenica na ididirek ni Gil Portes.

Ang GMA Artist Center (GMAAC) na ang nakipag-usap at nag-ayos nito at wala na si Atty. Ferdie Topacio bilang legal counsel ni Aljur.

Nagkaroon nang pag-uusap pagkatapos in-announce ni Atty. Topacio na nag-resign na siya bilang abogado ni Aljur.

Totoo bang ayaw ng GMA-7 na maging bahagi si Atty. Topacio sa posibleng pakikipag-ayos ni Aljur sa kanyang mother studio, kaya nag-resign na lang daw ang naturang abogado?

Nakausap naman namin ang ilang taga-GMAAC, at sinasabi naman nila na sa gitna ng mga ganitong kaso, sila pa rin ang nakikipag-usap sa mga project na inaalok kay Aljur. Isa na nga rito ang pelikulang pagsasamahan nina Aljur at Vin.

Abangan na lang natin ang posibleng pag-aayos nila sa korte at ang pag-drop ng mga kasong isinampa laban sa isa’t isa.

BOOM: Reliable source ang nagkuwento sa aming puspusan na raw ang construction ng bahay na ipinapatayo ni Vic Sotto sa isang exclusive subdivision malapit sa Metro Manila.

May mga litrato pang ipinapakita sa amin, at kung totoong kay Bossing nga ito, napakalaki ng naturang bahay.

Maganda pa ang location sa isang napakatahimik na bahagi ng subdivision.

Tinanong namin si Pauleen Luna kaugnay dito, ayaw niyang sagutin. Hindi raw niya alam.

Kasi kung kay Bossing nga ito, malamang na para ito sa kanila ni Pauleen.

Tinanong uli namin si Pauleen sa mall show ng Renew Placenta sa Trinoma kamakailan lang, wala raw siyang alam.

Tinanong uli namin kung totoong may plano na silang magpakasal sa taong ito, meron na ba silang sinisimulang investment kagaya ng lupa’t bahay?

“Feelings. Feelings pa lang ang ini-invest namin,” pabirong sagot sa amin.

 

vuukle comment

ALJUR

ANNABELLE RAMA

ARTIST CENTER

BARRETTO

COSMO SKIN

FERDIE TOPACIO

GIL PORTES

MALAKING

METRO MANILA

TINANONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with