Pagma-Marimar ni Megan Young mauudlot daw!
MANILA, Philippines – Parang mauudlot daw ang pagma-Marimar ni Megan Young sa GMA 7. Ang narinig kong kuwento, naghahanap na raw ng bagong gaganap na Marimar.
Ang unang bulong ay ang Marimar ang unang assignment ng 2014 Miss World. Pero nagkaroon daw ng problema habang pina-process ang pagpirma nito ng kontrata sa GMA 7.
Pero hoping ang source na matutuloy din ang paglipat nito. Kasi raw may humaharang kampo kaya hindi pa naayos.
Belo clinic hindi nakaligtas sa Time Magazine
Wow, na-feature sa TIME magazine ang Belo Medical Clinic, kasabay ng story ng 2014 Person of the Year : The Ebola Fighters.
Nakasama sa feature ad ang Belo Medical Group bilang forefront ng medical tourism sa bansa. May pamagat na the Rising Star of Beauty Tourism, a $3 billion industry.
Kung sabagay, Belo Medical Group has been around for over 24 years and has successfully performed thousands of liposuctions, rhinoplasties and breast augmentations at iba pang treatments, such as Thermage facelifts and Fraxel laser skin treatment procedures. Kaya naman naging preferred and most trusted name na ito pagdating sa usapin ng pagpapaganda.
Nakasaad sa lumabas na article that Belo Medical Group has “received the Platinum award from Allergen for being the Philippines’ top performing Botox treatment clinic for ten consecutive years (2007-2012). In 2010, it received the Reader’s Digest Platinum Awards as the Most Trusted Brand in Beauty Clinic Category. In 2014, it was a finalist at the ASEAN Business Awards.”
“My vision is to make the Philippines a world-renowned beauty destination,” says Dr. Vicki Belo. “We have continuously invested in raising the standards of quality in our procedures and patient care,” dagdag niya.
Nonito Donaire ibabangon ang titulo
Ang kwento ni Nonito Donaire ay hindi naiiba sa kwento ng karaniwang Juan: dehado pero palaban, ‘di sumusuko. Yung ‘underdog’ na gustung-gustong suportahan ng lahat. Ngunit hindi pa tapos ang kwento dahil sa Pinoy Pride 30: D-Day, sa Marso 28, magbabalik si Donaire sa ibabaw ng ring at ipaglalaban ang kanyang karangalan laban kay William Pardo ng Brazil.
Ipinanganak at unang lumaki si Nonito sa Talibon, Bohol, kasama ang kanyang tatlo pang kapatid. Sakitin at tampulan ng tukso ang batang Donaire nang ito’y pumapasok pa sa paaralan kung saan nag-aral ng elementary ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Sino ba ang mag-aakala na itong si Nonito ay magiging kampeon hindi lamang sa isang dibisyon, kundi sa lima.
Dehadong-dehado nga ang boksingero nang kanyang harapin ang Armenian na si Vic Darchinyan, at kampeon na umabuso sa kanyang kuya Glenn sa loob ng ring, na naging tuntungan niya sa pagsikat.
Walang nakaisip na isang batang nangarap at lumipat ng Estados Unidos para samahan ang ama ay mangangalap ng mga medalya at tropeo at magiging isa sa mga kinatatakutang amateur boxers doon.
Walang nakakitang magagawa niyang manalo ng sunud-sunod sa loob ng 12 na taon. Ngunit wala ring nag-akala na siya’y magkakaroon ng dalawang talo na sadyang ikinagulat ng lahat at halos magkasunod pa.
Ngunit, nasa nakaraan na ang kanyang pagkatalo kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba at Nicholas Walters ng Jamaica. Panibagong simula na ito ng boksingerong tinaguriang The Filipino Flash. At ang bagong pagsubok sa kanyang karera ay gaganapin sa harap ng kanyang mga kababayan sa Marso 28.
Inihahandog ng ABS-CBN Sports at ALA Promotions ang Pinoy Pride 30: D-Day na itatampok si Nonito Donaire at ang WBO Minimumweight champion na si Donnie “Ahas” Nietes.
Gangnam Blues ni Lee kinaaliwan ng mga Pinoy
Marami ang nagandahan sa pelikula ng Korean superstar na si Lee Min Ho, Gangnam Blues, nang ipalabas ito sa bansa kamakailan na dinub ng Tagalog. Ang nasabing pelikula ang final installment ng star maker/director Yoo Ha’s Street Trilogy na nag-umpisa sa Spirit of Jeet Keun Do in 2004, sinundan ng A Dirty Carnival in 2006. Tulad sa naunang dalawang pelikula, heavy sa action ang Gangnam Blues na isang patunay na kayang gumawa ni Lee Min Ho ng masisilang stunts.
Mula sa Boys Over Flower, ito ang kauna-unanghan full length film ni Lee.
Bukod sa nagandahan sila sa kuwento at hindi nahirapang intindihin ang dialogue dahil Tagalog na nga, nakadagdag pa ang pagkaaliw ng mga manonood ang pagkakasama ng kantang Anak ni Freddie Aguilar sa pelikula.
Ang Gangnam Blues ang naging first offering ng SineAsia, a joint project of Viva Entertainment, Inc. and SM Lifestyle Entertainment, Inc. na magpapalabas ng mga pelikulang Asian na hindi karaniwang naipalalabas sa bansa at Tagalized na para mas maka-relate ang mga manonood. Bukod sa Korean films, mapapanood din sa SM Cinemas and Walter Mart Cinemas, ang mga bago at most unique line up ng Tagalized films from South Korea, Japan, China, Taiwan and other parts of Asia.
Ang Samsonite Red ang major sponsor sa ipinalabas na pelikula ni Lee Min Ho sa bansa.
- Latest