^

PSN Showbiz

Rachelle Ann ayaw nang maging support lang sa Miss Saigon, gustong subukan ang kapalaran sa Wicked at Les Miserables

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ewan ko kung bakit ayaw nang mag-renew ng kontrata si Rachelle Ann Go para sa second season ng Miss Saigon, eh sa musical na ito siya unti-unting nakikilala sa international scene. Baka kung hindi nila nakita ang husay niya sa musical na unang nagpakilala kay Lea Salonga ay baka hindi siya pinakanta ng Disney ng theme song ng Cinderella. Ito ang nagpauwi sa kanya sa bansa at na­ging dahilan ng mabilisan niyang bakasyon, na ginugol pa niya sa pagtatrabaho dahil nag-perform siya kahapon sa Sunday All Stars.

Nanalo rin si Rachelle Ann ng Best Featured Artist in a New Production of a Musical para sa role na Gigi sa 2014 Broadway World UK West End Award. Ganundin sa 15th Annual What’s on Stage Award bilang Best Supporting Actress.

Kino-consider rin si Rachelle Ann para sa mga musical na Wicked at Les Miserables na inaasahan ng lahat na lead role na ang kanyang gagampanan, katulad ng ginampanan ni Anne Hathaway sa Les Miserables.

Pagiging magalang ni Sarah hindi na feel ni Piolo

Makasunod kaya si Sarah Geronimo sa kahili­ngan ni Piolo Pascual na huwag na siya nitong  gagamitan ng ‘po’ at ‘opo’ sa kanilang unang pagtatambalang pelikula? Hindi bale sana kung hindi rom-com ang gagawin nila. Paano nga naman nila mapapabilib ang manonood na puwede silang magligawan at maging convincing kung napakagalang ni Sarah sa kapareha niya at bawa’t salita ay nilalagyan niya ng ‘po’ at ‘opo’?

Papaano rin sila makakagawa ng kissing scene na hindi magmumukhang hinahalikan lang ng nakakatandang kapatid na lalaki ang nakababata niyang kapatid na babae? Nakakasira nga naman ng diskarte. Nangako naman si Sarah na pagbibigyan ang kahilingan ng pinakahuli niyang leading man.

Nakaka-turn off din kay Piolo ang tanong kung nagpaalam na ba siya sa boyfriend ni Sarah na si Matteo Guidicelli sa kissing scene nila ng aktres? Naniniwala siyang artista ang dalawa at mature na para magkaro’n ng problema sa ganitong eksena.

Dingdong gusto lang isalba ni Direk Erik sa pagpapakalbo?!

Kung pinalitan man ni Erik Matti ang bidang lalaki niya sa pelikula niyang Honor Thy Father, from Dindong Dantes to John Lloyd Cruz, baka ito ay may kinalaman sa mahalagang requirement na kinakailangang gawin ng Kapuso actor para sa kanyang role – ang magpakalbo. Ang kasalanan lang siguro ni John Lloyd, tinanggap agad nito ang hamon.

Magkapatid na Joey at Diego nag-uunahang sumikat?!

May isang pares ng magkapatid ang nagsisimulang magpakilala ngayon sa showbiz. Pareho silang anak ni Teresa Loyzaga. Ang isa ay si Joey Loyzaga kabilang sa TV5 at kasama sa 2nd season ng Wattpad Presents, sa episode na Heartbreaker. Ka-love triangle siya nina Carl Guevarra at Donnalyn Bartolome. Ang pangalawa naman ay si Diego Loyzaga na isang Kapamilya.

Madalas ding magkapikunan ang dalawa, pero at the end of the day ay brothers pa rin sila na nagsusuportahan sa sa’t isa. Sa career lamang daw sila may rivalry. Parehong maganda ang takbo ng career ng magkapatid. Si Diego ay biglang nagbago ang imahe at naging lovable maski na ang role niya ay humaharang sa ikaliligaya nina Liza Soberano at Enrique Gil sa Forevermore.

ANNE HATHAWAY

ANNUAL WHAT

BEST FEATURED ARTIST

BEST SUPPORTING ACTRESS

BROADWAY WORLD

CARL GUEVARRA

LES MISERABLES

RACHELLE ANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with