^

PSN Showbiz

Kumpirmado, bahay ng ex ni Jennifer Lopez nabili na ni Pacman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Confirmed na nabili na ni C­ongressman Manny Pacquiao ang dating mansion ni Jennifer Lopez sa Beverly Hills, Los Angeles, California. (Si Jennifer Lopez ay ex ni P. Diddy na siyang nagmamay-ari diumano ng mansion na nabili ni Pacman - SVA).

Unang napabalita na balak ni Papa Manny na bilhin ang former house ni Lopez sa halagang US$12 million dahil gustung-gusto niya ang location at ang mahigpit na security sa gated community.

Binisita na ni Papa Manny ang mansion na may pitong kuwarto at sosyal na swimming pool. Ang latest news, binili na niya ang bahay sa tumataginting na US$11 million!

Kayo na ang bahalang mag-compute sa presyo ng bahay sa Philippine currency. At least, nakatawad si Papa Manny ng 1 million dollars na P44 million ang katumbas na halaga sa ating pera. Ang yaman-yaman talaga ni Papa Manny!

Irish actor na si Liam Neeson, maka-Pacman

Nagkita na nga pala si Papa Manny at ang action star na si Liam Neeson sa studio ng Jimmy Kimmel Live noong Miyerkules.

Nagpang-abot ang dalawa sa studio dahil sa surprise guesting ni Papa Manny sa TV show ni Jimmy  habang nagpo-promote si Liam ng bagong Hollywood action movie nito.

Nagmistulang fan si Liam nang makaharap niya nang personal ang Pambansang Kamao. Na-excite nang todo ang sikat na Irish  actor na counterpart ni Fernando Poe, Jr.

Siyempre, nagpakuha si Liam ng picture na kasama si Papa Manny. Ewan ko lang kung nabanggit ni Liam kay Papa Manny ang dalawang complimentary tickets sa laban nina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. na hinihingi niya mula sa Pinoy boxing champ.

Obvious naman na si Papa Manny at hindi si Mayweather Jr. ang sinusuportahan ni Liam sa makasaysayan na boxing fight na mangyayari sa MGM Grand Arena sa May 2.

Hindi sa yosi o drugs Liezl sa stress nagka-cancer

Saturday morning ng March 14 nang pumanaw si Liezl Martinez dahil sa kanser.

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagkamatay ni Liezl kaya nagkaroon ng panahon ang Startalk staff na halungkatin ang video ng old interviews sa kanya.

Si Papa Ricky Lo ang nag-interbyu kay Liezl sa episode na napanood sa aming show noong March 27, 2010 na nagkataon na 43rd birthday niya.

Sa nasabing interbyu, matapang na ikinuwento ni Liezl kay Papa Ricky at sa Startalk viewers ang kanyang naging reaksyon nang malaman niya na may breast cancer siya.

Marami ang nalungkot at naging emosyonal nang mapanood nila ang replay ng exclusive interview ng Startalk  kay Liezl.

Buong tapang na ibinahagi ni Liezl sa televiewers ang kanyang mga pinagdaanan.

Ang bestfriend ni Liezl na si Pops Fernandez ang nangulit sa kanya na ipa-check up ang dibdib niya.

“Nu’ng tine-test ako, ‘yung technician na nagte-test sa akin, parang hindi maganda ‘yung mukha. Sabi ko, bakit? Bakit?

“Sabi niya, wala ho ma’am. Hindi ako puwedeng magsalita kasi hindi ako doktor.

“Nu’ng kausap ko na si doktora, doktora bakit ho? Ano na ho ‘yung results nu’ng exams?

“Liezl, you come here to the clinic. I want to talk to you.

“Doktor, no. Tell me na lang,what is it.

“It’s positive.

“Sumigaw ako. Sumigaw ako nang malakas. I was in the room, alone, upstairs. And then, I ran out of the door, hinanap ko si Albert.

“Basta, naalaala ko lang, niyakap ko siya. Sigaw ako nang sigaw.  Sabi niya, what’s wrong? What’s wrong? Basta, I passed the phone to him and he started talking to the doctor.

“They really saw Albert breakdown. ‘Yung parang sa pelikula. Sumandal sa wall. Sinuntok ‘yung wall nu’ng una tapos umupo. Nag-slump down sa floor and started sobbing.

“Friday, nag-check in ako sa ospital. Saturday, they did na my mastectomy. Ganoon kabilis. Tuesday, ‘yung test. Thursday ko nalaman, Friday check in, Saturday, wala na akong breast... the left.

“One year ako na ayokong pag-usapan. Pagdating ng acceptance, may kasamang depression na why me? Why?  Kasi I don’t smoke. I never did drugs. That’s the number one cause of cancer, stress. Any sickness, actually, stress is really bad..”

AKO

LIAM

LIAM NEESON

LIEZL

MANNY

NANG

NIYA

PAPA

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with