^

PSN Showbiz

Stage 3 nang madiskubre noong 2008 Liezl pitong taon nagdusa sa cancer!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang malungkot na balita na pumanaw kahapon si Liezl Martinez ang bumulaga sa publiko at sa showbiz.

Sumakabilang-buhay si Liezl sa edad na 47 sa Medical City dahil sa breast cancer na kumalat sa kanyang lungs.

Si Liezl ang nag-iisang anak nina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez at isinilang siya noong March 27, 1967.

Naging child star si Liezl noong araw at ang Ibulong Mo sa Puso ang last movie niya bilang teenager dahil nagpakasal sila ni Albert Martinez at nanirahan sa Amerika bago nagpasya na muling bumalik sa Pilipinas.

Year 2008 nang malaman ni Liezl na may breast cancer siya at aksidente lang ang pagkakadiskubre ng kanyang sakit.

Ipina-check up niya ang dibdib dahil sa payo ng kanyang doktor na kapag tumuntong sa 40 ang mga babae, dapat na magkaroon sila ng yearly breast exams.

Ikinabigla ni Liezl ang resulta ng kanyang breast exams dahil lumitaw na  Stage 3 na ang breast cancer niya pero wala siyang nararamdaman na symptoms.

Sumailalim si Liezl sa mastectomy at chemotherapy para gumaling ang kanyang karamdaman. Sinubukan din niya ang stem cell therapy.

Ikinatuwa ng mga nagmamahal kay Liezl ang balita na in remission ang kanyang sakit pero hindi nagtagal ang kaligayahan  nila dahil bumalik at kumalat sa left lung ni Liezl ang kanser.

Bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila ni Liezl nang kumalat kahapon ang balita na yumao na siya.

Ang tiyo ni Liezl na si Cheng Muhlach ang nagkumpirma ng malungkot na balita na pumanaw si Liezl sa The Medical City at nasa tabi niya ang kanyang mga mahal sa buhay nang magpaalam siya.

Ang unang balita, ibuburol ang labi ni Liezl sa Arlington Funeral Homes pero bandang hapon nang ipaalam sa lahat na inilipat sa Heritage Park sa Taguig ang lamay.

Naulila ni Liezl si Albert, ang kanilang mga anak na sina Alyanna, Alfonso, at Alyssa, pati na ang kanyang ina na si Amalia at tatay na si Romeo.

Tumagal din ng pitong taon ang pakikipaglaban ni Liezl sa breast cancer. Hinangaan siya dahil sa katatagan na ipinakita niya.

Nagkikita kami ni Liezl sa tuwing pumupunta ako sa MTRCB. Active member si Liezl ng MTRCB hanggang sa kanyang kamatayan.

Isa si Gladys Reyes sa mga nagluluksa sa pagkawala ni Liezl na BFF niya.

Parehong member ng MTRCB sina Gladys at Liezl. Madalas sila na nagkakasama sa reviews ng mga pelikula, TV shows, at out–of-town seminars ng MTRCB.

Nakiramay din sa mga naiwan ni Liezl sina Ruffa Gutierrez, Nadia Montenegro, Dawn Zulueta, at ang kanyang close friend na si Pops Fernandez.

Matinding kalungkutan ang nararamdaman nila sa napakaaga na pagkawala ni Liezl.

Mag-ingat sa magnanakaw!

Dapat mag-ingat ang mga nagpupunta sa Mall of Asia dahil baka maging biktima rin sila ng pagnanakaw tulad ng nangyari sa reporter na si Gorgy Rula.

Dumalo si Gorgy sa isang event na ginanap sa MOA noong Biyernes at sa kasamaang-palad, ninakaw ang kanyang Apple laptop at iPad.

Bagung-bago ang iPad ni Gorgy at sa estimate niya, mahigit sa P70,000 ang halaga ng mga gamit na tinangay ng suspect na malikot ang kamay at mabilis na nakapuslit.

Mabilis lang ang karma. Madali na makakabili si Gorgy ng mga kapalit ng mga  gamit niya na ninakaw at  matindi ang karma na daranasin ng magnanakaw na perwisyo sa kapwa.

ALBERT MARTINEZ

AMALIA FUENTES

ARLINGTON FUNERAL HOMES

GORGY

KANYANG

LIEZL

MEDICAL CITY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with