^

PSN Showbiz

Dennis isasabuhay ang kapalaran ng isa sa SAF 44 na namatay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang linggo na ang nakalipas nang sumabog ang balita tungkol sa Mama­sapano Clash: isang simple arrest operation na nauwi sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force.

Kalat na sa traditional at online media ang iba’t ibang kuwento ng pangyayari sa Mamasapano, at ang mga nangyayari matapos ng trahedyang ito.

Ngunit sino ba itong magigiting na mga pulis na nag-alay ng kanilang mga buhay para sa kanilang bayan? 

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, kilalanin natin ang isa sa kanila. 

Itinatampok si Dennis Trillo bilang Ephraim ‘Bok’ Mejia, ang police officer na lumalaban para sa bayan, at sa isang magandang bukas para sa kanyang asawa’t bagong anak.

Pero ano pa ba ang ibang dahilan ng pagsabak ni Bok sa pagiging pulis?

Alamin ang kuwento ng kaniyang buhay, bilang isang ama, bilang isang asawa, bilang isang kapatid, at bilang isang anak na gagawin ang lahat para bumuti ang mga lagay ng kaniyang mga mahal sa buhay.

Itinatampok din sina Rhian Ramos, Mike Tan, Lovely Rivero, Mike Lauren, Vincent Magbanua, at Byron Ortile.

Mula sa panulat at direksyon ni Albert Langitan, huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong Sabado (March 14) pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.

ALBERT LANGITAN

ANG TUNAY

BOK

BYRON ORTILE

DENNIS TRILLO

ITINATAMPOK

LOVELY RIVERO

MAGPAKAILANMAN

MIKE LAUREN

MIKE TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with