^

PSN Showbiz

Leni Robredo all out ang support sa Anti-Political Dynasty Bill

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang kanyang pagtanggi sa presidential candidacy, haharap ang Camarines Sur Representative na si Leni Robredo sa The Bottomline ngayong Sabado (Marso 14) upang talakayin ang kanyang adbokasiya sa mabuting pamamahala at pagsuport sa anti-political dynasty bill.

Naniniwala ang maybahay ng namayapang Interior Secretary na si Jesse Robredo na  ang political dy­nasty ay nagbubunga ng hindi pantay na karapatan sa electoral system.

Ilalahad din ni Robredo angTsinelas leadership na nasimulan ng kanyang asawa at ang kanyang ma­tibay na pagsuporta sa Freedom of Information bill. Ibabahagi rin niya kung paano niya hinarap ang mga akusasyon ng foreign funded sources at vote buying.

Naniniwala ba siya na sinusundan niya ang mga yapak ng kanyang namayapang asawa? Bilang isang maybahay, paano niya hinaharap ang mga pag­subok sa pulitika? Ano ang dahilan ng kanyang pagtanggi na tumakbo sa senado?

Huwag palampasin ang isa na namang malalim, makabuluhan, at napapanahong kuwentuhan sa The Bottomline with Boy Abunda.

vuukle comment

ANO

BOTTOMLINE

BOY ABUNDA

CAMARINES SUR REPRESENTATIVE

FREEDOM OF INFORMATION

INTERIOR SECRETARY

JESSE ROBREDO

LENI ROBREDO

NANINIWALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with