Public service excellence ng TV5, kinilala sa 13th Philippine Quill Awards
MANILA, Philippines - Nagkamit ng matataas na parangal ang TV5 sa 13th Philippine Quill Awards kamakailan. Nag-uwi ng Awards of Excellence ang Radyo5 Taxi Squad: Todo Radyo Serbisyo campaign para sa Communication Management division at ang Rescue5 Activity Books for Visayas para naman sa Communication Skills division.
Magkakasamang tumanggap ng parangal sina (L-R) Rescue5’s Chester Batongbakal, News5 anchor Paolo Bediones, TV5 Public Service Head Sherryl Yao, at TV5 legal analyst at Radyo5 anchor Atty. Mel Sta. Maria, sa awarding ceremonies kamakailan sa Crowne Plaza Galleria Manila.
Bukod sa nasabing awards, napabilang rin ang Radyo5 at Rescue5 sa limang finalists na naglaban para sa pinakamataas na parangal, ang Top Awards sa kani-kanilang division.
Ang Radyo5 at Rescue5 ay kapwa bahagi ng News5, at ang mga parangal na ito ay isang pagkilala sa paninindigan ng istasyon sa balita, impormasyon, at serbisyo publiko—Higit sa Balita, Aksyon.
- Latest