Miss Fitness Universe dating anorexic!
MANILA, Philippines – Bibisita si Dyan Castillejo sa training ng People’s Champion at Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ngayong Huwebes (Mar 12) sa Sports U.
Tunghayan ang mga paghahandang ginagawa ni Manny sa napipintong paghaharap nila ng karibal na si Floyd Mayweather, Jr. Ano kaya ang opinyon ng misis niyang si Jinkee sa nalalapit na bakbakan?
Samantala, alamin ang kwento sa likod ng Miss Fitness Universe at triathlete na si Dwan Abantao. Nagsimula si Dwan sa pagiging swimmer ngunit tumigil ito dahil sa pag-aaral. Maraming napagdaanan si Dwan at isa na rito ang pagiging anorexic at sakitin niya, kasama na ang pagpanaw ng kanyang ina. Iyon ang naging dahilan upang baguhin niya ang kanyang buhay at maging isa sa hinirang na 10 Outstanding Filipinas sa bansa kasama ni Lea Salonga.
Hindi naman pahuhuli ang pagdalo ni Dyan sa isang fun run kung saan nakihalubilo siya at nag-exercise kasama ang mga kalahok sa Panalong Dyanfit.
- Latest