^

PSN Showbiz

Anim na properties ni Dolphy nabenta na, naging silent ang auction, Eric inaming kailangan nila ng pera

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim na properties na ni Comedy King Dolphy ang nabenta sa pamamagitan ng silent auction. Pero kahit silent auction, dumaan pa rin ito sa bidding at ang may pinamalaking bid ang nakakuha ng property. Kasama sa mga nabenta ang ari-arian sa Batangas and Cavite. At ang iba pa, under negotiation pa ayon mismo sa admi­nistrator ng pamilya Quizon na si Eric Quizon nang makatsikahan namin kahapon sa Thanksgiving lunch na ibinigay ng manager nila nina Carmina Villaroel with Zoren Legazpi na si Tita Dolor Guevarra.

‘Yun palang mga nabenta nilang ari-arian ay bukod pa sa mga naiwan sa 18 na mga anak ni Tito Dolphy. “Kumbaga may mga naka-assign naman sa amin. Meron may isa, meron dalawa. ‘Yung iba masuwerte, mas marami,” sabi pa ni Eric.

At ang hatian, “equal sharing among the 18,” sabi ng aktor/director na kasalukuyang busy sa taping Pasion de Amor na eere sa November sa ABS-CBN.

Hindi kasama si Zsa Zsa Padilla sa hatian ng properties. “Kung ano ‘yung kay Zsa Zsa, sa kanya na ‘yun.”

Itinanggi rin ni Eric na nagplano si Zsa Zsa na ibenta ang naiwang bahay ng kanyang daddy na tirahan nila ni Divine Diva sa Marina Bay. Ayon kay Eric, siya mismo ang nagtanong kay Zsa Zsa kung gustong ibenta ang nasabing bahay at lahat ay nag-disagree. “So ako ang nagtanong. Do you want to sell the house? Pero lahat sila ayaw. So naging isyu ‘yun. Ako lang talaga ang nagtanong. They wanna keep the house,”  pagka-klaro niya.

Eh bakit kasi gusto nilang ibenta ang mga ari-arian ng ama? “Siyempre kailangan ng pera. We need funds. We are not rich. Hindi naman liquid (pera) ang daddy ko. Lahat halos ng pera niya napunta sa… five years siyang may sakit. And every year magkano ang ginagastos namin,” kumpirma ni Eric.

Tapos nagbabayad pa raw sila ng real estate tax. “Ang laki pa. May inheritance tax pa. Buti nga 20% na lang, dati 40%. Kaya talagang malaki ang bayad namin sa tax. Sabi nga ng mga kapatid ko ‘yung pera namin napupunta lang sa taxes. Kaya ang ginagawa namin nali-liquidate kami. Like what I’ve said, may kanya-kanya naman ka­ming properties. Saka meron din kaming properties na ide-develop namin.”

Oras na magkaroon na ng hatian, pa-planuhin na nila ang Happy Museum (yup ‘yun ang magiging name ng itatayong museum) sa 20 hectares property somewhere in Tanay na malapit sa lupain ni dating Pangulo and now Manila Mayor Joseph Estrada.

Natanong din si Eric kung nagpaalam na ba si Zsa Zsa sa kanya kung pakakasal na sa boyfriend nitong si Conrad Onglao. Ayon kay Eric wala pa namang binabanggit ang kanyang stepmom.

InstaDAD hindi raw pantapat sa Dream Dad

Sa panahon ngayon, nahihilig ang mga tao sa mga i­nstant na bagay. Sino nga ba ang hindi mahuhumaling dito kung ginagawa naman nitong madali at komportable ang pamumuhay ng mga tao? Pero paano kung ang instant na bagay na dumating sa buhay mo ay ang pinaka hindi mo inaasahan sa lahat? Paano kung hindi ka pa handa para harapin ito? Paano mo ito aakuin at papanagutan?

Simula ngayong Marso 22, isang family-friendly na drama series ang ihahandog ng GMA Network, ang InstaDAD.

Pagbibidahan ito ng multi-talented aktor ng Kapuso Network na si Gabby Eigenmann. Hango ang InstaDAD sa kuwento ni Kenneth (Gabby), isa sa mga hottest bachelors ng Manila na kilala rin sa pagiging chef. Maraming nagkakandarapang babae sa kanya pero nananatili pa rin siyang single dahil sa pagka-trauma niya matapos maudlot ang relasyon niya sa kanyang first love na si Des.

Isang araw, biglang nabaligtad ang mundo ni Ken nang malaman niyang ama siya ng triplets na babae na sina Marikit (Gabbi Garcia), boyish, adventurous at athletic na sobrang protective sa kanyang mga kapatid; Mayumi (Ash Ortega), ang pinakamatanda sa tatlo, matalino at mahinhin kagaya ng kanyang nasirang ina na si Des; Maaya (Jazz Ocampo), ang pinakakikay at fashionista sa kanilang tatlo.

Bukod sa hindi alam ni Ken kung paano aakuin ang mga responsibilidad ng pagiging isang ama, mas lalo pa siyang mahihirapan sa kung paano niya pakikitunguhan ang iba’t ibang personalidad ng kanyang mga anak.

Samantala, maninibago rin ang triplets sa kanilang magiging buhay sa pagdating ng kanilang ama na magiging sanhi ng iba’t ibang teenage issues para sa kanila.

Makakasama rin sa InstaDAD sina Matet de Leon bilang Gracia, ang kapatid ni Des at tiya ng triplets; Juancho Triviño bilang Dwight, ang boyfriend ni Mayumi na isang varsity player; Prince Villanueva bilang Ikot, ang musically-inclined, hopeless romantic na binata na may lihim na pagtingin kay Mayumi.

Sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, mapapanood ang InstaDad simula Marso 22 pagkatapos ng Sunday All Stars.

Idinenay nga pala ni Direk Neal na ginawa nila ito bilang pantapat sa Dream Dad ng ABS-CBN. Ang say ni Direk hindi naman ito teleserye. Tuwing weekend lang at malayung-malayo ang concept.

Bigla kasing may ilang napaisip dahil sa title na parehong may ‘dad.’

DREAM DAD

KUNG

MAYUMI

PERO

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with