^

PSN Showbiz

Bimby pinagalitan si Kris nang maunahan sa trophy!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tinupad ni Kris Aquino ang ipi­na­ngako sa members ng Quezon City Police Department nang mag-attend siya sa flag raising ceremony last week na iti-treat niya ng Halu-Halo ang Kapulisan sa Chow King Ali Mall branch na pag-aari nila ng kasosyo niyang si Dominic Hernandez.

Last week, nagsimula na ang treat ni Kris sa QC Police Force at binayaran niya sa  kompanya ang treat niya na tatagal hanggang Easter Sunday. Aabot sa 1,000 Kapulisan ang kasama sa kanyang Halu-Halo treat.

Samantala, proud mother si Kris sa pagkakapanalong Best Child Performer ni Bimby sa Star Awards for Movies sa pelikulang Praybeyt Benjamin. Ka-tie ni Bimby si Miggs Cuaderno para naman sa pelikulang Asintado.

‘Katuwa lang ang kuwento ni Kris na pina­galitan siya ni Bimby dahil pinauna niyang umakyat ng stage si Miggs para tanggapin ang trophy. Isa lang ang trophy at napunta kay Miggs at para makunan ng picture na hawak ang trophy, hiniram ito ni Bimby.

Sabi raw ni Bimby, kung pinauna siya ni Kris na umakyat ng stage, siya ang mag-uuwi ng trophy. Ang nangyari, Tuesday pa makukuha ni Bimby ang kanyang trophy sa first ac­ting award na napanalunan.

LJ nahilo sa halik ng ka-partner maganda ang experience ni LJ Reyes sa first theater play niyang Juego de Peligro

at tiyak na masusundan ang paglabas niya sa teatro. First time gumawa ng stage play si LJ at hindi niya binigo ang audien­ce na nakapanood sa ilang gabing siya ang gumaganap sa role ni Señora Teresa dahil mahusay at consistent ang acting niya hanggang sa ending.

Sa last day ng performan­ce, pinalakpakan si LJ na ikina­tuwa at ipinagpasalamat ng ak­tres. Kasabay ng play ang taping niya ng Yagit kaya may ka-alternate siya sa kanyang role. Ganu’n pa man, five pounds pa rin ang nabawas sa kanya sa sabay na trabaho.

Maraming kissing scenes si LJ kay Arnold Reyes na gumanap sa role ni Señor Vicente at nahilo na raw sila sa kahahalik

Hindi nakapanood si JC de Vera sa Juego de Peligro dahil sabi ni LJ, busy ang aktor.  Pero bakit ibang rason ang narinig namin kung bakit hindi nakapanood si JC? Totoo bang pinigilan itong panoorin si LJ sa CCP?

Pelikulang dapat kay Dingdong, pinalitan din ng title?!

Nagsu-shooting na si director Erik Matti ng pelikulang Ponzi na unang in-offer kay Dingdong Dantes, pero nauwi kay John Lloyd Cruz. Si Dondon Monteverde na producer ng movie under his Reality Entertainment ang nag-post ng picture sa Instagram (IG), habang binibigyan ni direk Erik ng instructions si John Lloyd.

May pictures din sa IG ni Direk Erik, pero bakit iba na ang title ng movie? Hindi na Ponzi kundi Honor Thy Father na ang title nito.

Nauna nang sinagot ni Direk Erik na kakausapin niya si Dingdong ‘pag nag-cool down na ang lahat.

Dahil sa pagpa-pari, Dingdong ayaw magpaka-nega

Sa presscon ng Pari Koy, ayaw mag-comment ni Dingdong Dantes tungkol sa isyu nila ni Direk Erik Matti, pero sabi ng press people na nakausap nito, kita sa mga mata ng aktor at facial expression ang hurt sa nangyari at tila matagal pa bago mangyari ang sinabi ni Dondon Monteverde na paglamig ng isyu.

Kahit sa social media, walang comment si Dingdong at busy sa pagpo-promote ng Pari Koy, sa mga advocacy niya at pagbabalita kung ano ang niluluto ni Marian Rivera para sa kanya.

Saka, gusto lang siguro ni Dingdong na hindi mahaluan ng negative ang airing ng bago niyang series na tungkol sa pagiging positive. Ang pangit nga naman kung negative issues ang nasusulat sa kanya gayung pari ang role niya sa Pari Koy.

vuukle comment

ARNOLD REYES

BIMBY

DINGDONG DANTES

DIREK ERIK

NIYA

PARI KOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with