^

PSN Showbiz

Aktres-TV host na adik sa Feng Shui hindi ikinukunsulta ang pagbebenta ng laman

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa isang sikat na aktres-TV host ay meron pang isang female personality na sobra ang paniniwala sa feng shui. Wala namang mali sa kanyang paniniwala, kani-kanyang atake lang naman ‘yan, pero ang ibang mga kaibigan ng aktres na ito ay nasosobrahan na sa kanya.

OA na raw kasi ang babaeng personalidad dahil lahat na lang ng ginagawa niya ay ikinokonsulta niya sa feng shui. May bibilhin siyang gamit sa bahay, agad na siyang nakatawag sa paborito niyang feng shui expert, itatanong niya kung good vibes ba ang hatid ng kulay na pinili niya.

Kuwento ng isang source, “Kunwari, may bibilhin lang siyang ordinaryong jar na pang-decorate sa house niya, bago niya ‘yun bayaran kahit pa gustung-gusto pa niya ‘yun, e, tatawagan pa muna niya ang feng shui expert.

“Kapag sinabi sa kanya na huwag niyang bilhin ‘yun dahil hindi magko-compliment sa bahay niya, kahit pa type na type niya ang jar, hindi niya na bibilhin,” kuwento ng impormante.

Pati ang kanyang lovelife ay nakasalalay na rin sa sasabihin ng kanyang feng shui expert. Kailangang makilala nito ang manliligaw ng aktres, kailangang kilatisin kung totoo ba ang lalaki sa kanya, kung ano ang sasabihin nito ay napakahalaga para sa aktres.

“Nakakaloka naman ‘yun! Pati ba ang happiness niya, e, ang feng shui expert pa rin ang kailangang paniwalaan niya? OA nang masyado ‘yun! Lahat-lahat na lang, depende sa sasabihin sa kanya nu’n?” Nagtataka pang tanong ng aming source.

Pero ayon sa isang source ay nalulusutan din ng aktres ang kanyang feng shui adviser. May milagro palang ginagawa ang aktres, nagpapa-booking siya, siyempre’y hindi na niya ‘yun pinadadaan pa sa feng shui expert.

Sabi na lang ng isang nakakaalam ng lihim ng aktres na OA sa paniniwala sa feng shui, “May paganu’n-ganu’n pa siya, ang dami-daming bawal, kung anu-ano ang hindi niya dapat bilhin, pero ang pagbebenta ng katawan niya, hindi pala bawal?”

Aysus, ubos!

Pamilya ni Jam tuloy ang buhay

Tapos na ang laban. Nu’ng Linggo nang hapon ay ihinatid na sa huling hantungan ang YouTube Sensation na si Jam Fernando Sebastian. Putimputi ang kapaligiran. ‘Yun ang hiniling nina Mommy Maricar at Yexel na suutin ng mga sasama sa libing ni Jam.

Nag-iisa na lang si Yexel ngayon. Siguradong matagal na matagal pa bago maka-recover ang dating dancer ng Streetboys sa pagkawala ng kanilang bunso. Mami-miss ni Yexel si Jam lalo na kapag dumarating ang gabi.

May kani-kanyang kuwarto naman sila pero mas gusto ni Jam na natutulog sa kanyang kuwarto. Halos madaling-araw na silang natutulog dahil sa pagkukuwentuhan at paglalaro ng mga paborito nilang games sa Internet.

“’Yung lahat ng pinagdaanan ni Jam, nakita ko po ‘yun. Walang nakaligtas sa akin. ‘Yung mabilis na deterioration ng katawan niya, pero sige pa rin siya sa paglaban, sinasaluduhan ko du’n si Jam.

“Sabi ko nga po nu’n, kahit ibenta ko nang lahat ang meron ako, pati ang mga naipundar kong collection ng mga super heroes, e, okay lang, gumaling lang siya. Pero hindi po niya kinaya ang laban,” kuwento ni Yexel.

Nilinaw ni Yexel na walang katotohanan ang kumalat na kuwentong nagpapabayad ang kanyang ina sa mga interview nito. Hindi nila kailanman kinalakal ang sitwasyon ng kanyang kapatid.

Hindi man nag-artista si Jam ay nagmarka naman ang kanyang pangalan sa YouTube dahil sa Jamich nila ng girlfriend na si Mitch Liggayu.

Kapag hindi nagpainterbyu ang kanyang ina ay may masasabi laban sa kanila, kapag nagparaya naman para sa panayam ay meron pa rin, naging mahirap nga naman ang kanilang kalagayan.

Mananatili pa rin sa kanilang puso si Jam, pero simula na ngayon ng pamumuhay nilang mag-ina na wala na si Bunso, sa kawalan ng isang miyembro ng pamilya gaano man ‘yun kasakit ay kailangang umikot pa rin ang kanilang mundo.

FENG

JAM

KANYANG

LANG

NIYA

SHUI

YEXEL

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with