Hinay-hinay na sa diet dahil may problema sa BP Sharon 40 lbs. na ang ipinayat! Mega walang kaplanu-planong kumandidato
Isang enggrandeng homecoming ang sumalubong kay Megastar Sharon Cuneta kahapon, Lunes (Marso 9) sa kanyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN bilang miyembro ng jury ng pinakabago nitong variety show na Your Face Sounds Familiar.
Yup, sa kauna-unahang pagkakataon ay sasabak ang Megastar sa pagiging isang hurado para hatulan ang live performances ng walong celebrity performers na magi-impersonate ng iba’t ibang sikat na music icons sa nasabing programa.
Ginanap ang contract signing na dinaluhan ni Sharon, ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio, COO na si Carlo Katigbak, free TV head na si Cory Vidanes, chief financial officer na si Aldrin Cerrado, TV production head na si Laurenti Dyogi, at business unit head na si Lui Andrada.
Pagkatapos ng contract signing ay ginanap ang malaking presscon.
“There are no words to describe how happy I am. Sabi ko nga kanina, I am very, very happy. Pero parang hindi enough ‘yung words na ‘yon. I have no words for what’s going on inside my heart now,” sabi ni Megastar.
Ayon pa sa kuwento ni Megastar, matagal nang nagaganap ang secret meetings para sa kanyang pagbabalik-Kapamilya.
Alam din niyang hindi lang ito ang magiging project niya sa binalikang network. Handa na siyang sumabak sa teleserye at willing siyang makasama ang mga ex tulad nina Richard Gomez and Gabby Concepcion. Ok din sa kanyang makatrabaho ang anak na si KC at maging si Daniel Padilla.
Eh si Paulo Avelino na nali-link kay KC?
“I met him, especially when my Mama died, and a few occasions. He was respectful towards me but I don’t think anybody that’s being introduced to me by my daughter would act differently.
“So I choose to have no impression of Paulo, kasi baka ma-misinterpret na naman, di ba?
“But I hope KC will also take the time-because she’s still relatively young – to maybe reconnect, and then, connect with new people in circle outside of showbusiness.
“Kasi I don’t like na parang I was very young, ang nakikita ko lang ay ‘yung mga katrabaho ko, so I married Gabby (Concepcion), I would have relationships with my leading men.
“So, I just want something maybe better than what I went through, not a better person but a better elimination process, a better more fair one for her. Para makikita niya people in showbiz and people outside of showbiz,” pahayag niya tungkol sa anak.
Maging si Piolo Pascual ay ok din kay Shawie na makatrabaho.
Kitang-kita rin na bumalik na ang confidence ni Mega dahil almost 40 lbs. na pala ang nabawas sa kanyang timbang. “Pero I have several more to go bago ko ma-fulfill ‘yung pagiging bold star ko! Ha! Ha! ha!”
Pero careful din daw siya sa pagpapapayat dahil meron siyang problema sa blood pressure at tamad naman daw siyang mag-exercise kaya hirap sa kanya ang mag-diet. Target niyang magbawas pa ng 15 lbs.
“You can’t believe how big I became because I have no work. Kain lang ako ng kain. But I’ve since lost 40 lbs. through a special but really difficult diet. I have to lose 15 lbs. more before I can exercise. Right now, I just do the treadmill kasi I can still watch TV while doing that. Dumating nga si Juday (Judy Ann Santos) and Ryan (Agoncillo) sa bahay. Magsu-swimming daw kami. Sabi ko, sige, mauna na kayo.”
Nilinaw din ni Sharon na wala siyang regrets na nagtrabaho siya sa TV5 dahil nagkaroon naman siya ng ibang kaibigan at nakagawa ng ibang concept ng show.
Klinaro na rin ni Sharon ang walang tigil na isyung kakandidato siyang Mayor ng Pasay City. “Naku, 30 years na yang ganyang balita. But I’m 49 and at this point, alam ko nang artista ako, mang-aawit, and there’s nothing that brings me greater joy than performing in front of people. I’m not running for any public office.”
Anyway, makakasama ni Sharon sa jury ang champion singer na si Jed Madela at Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano sa Your Face Sounds Familiar, na magsisimula nang umere sa ABS-CBN sa Marso 14 at 15.
Magbibigay ito ng total transformation sa walong celebrity performers upang maging ka-face at ka-sound ng mga pinakasikat na music icons para maghandog ng kakaibang aliw at concert experience.
Anak ni Cristine naiuwi na!
Naiuwi na ni Cristine Reyes ang anak niyang si Amarah. Kahapon ay ipinost niya sa kanyang Instagram account ang nakangiting picture na anak. “My beautiful daughter Amarah. She really is a fighter. One day oxygen support, six days in ICU and four days in the nursery. Amarah is home after ten days in the hospital,” sabi ng actress sa caption ng photo ng anak.
Maalalang seven months lang ang baby nang ipanganak ni Cristine last February 8.
- Latest