^

PSN Showbiz

Singer-actress at magaling na aktres naghiraman ng gown

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang fan ng isang singer-actress (SA) ang nakapansin na pareho ng sinuot ng idolo sa concert kamakailan ang suot na gown ng isang maga­ling na aktres sa isang event. The same color and design ang gown, kaya tanong nito kung iisang gown lang ba ‘yun o magkaiba? Curious ang fan na malaman kung iisang gown dahil ibig sabihin daw, magkasing-laki ng katawan ang dalawa.

Mali raw ang naisip niyang payat si SA dahil nagkasya ang gown na isinuot din ng magaling na aktres na malaking babae. Hindi naisip ng fan na baka in-alter ang gown para magkasya sa magaling na aktres o posibleng two different gowns ang nakita niya.

Vin umamin na mas close ang pamilya kay Louise kaysa kay Kylie

Binanggit namin kay Vin Abrenica na may hawig siya sa basketball player na si Alvin Patrimonio at nagulat kami sa sinabi nitong ang full name niya ay Alvin at ginawa lang Vin nang pumasok siya sa showbiz. Nakalimutan naming itanong kung kay Alvin isinunod ng parents niya ang kanyang pangalan at bumagay naman dahil sabi nga ni katotong Glen Sibonga, parehong mapanga sina Alvin at Vin.

Nakausap namin si Vin sa pocket presscon para sa Watt­pad Presents: My Fiancé Since Birth na pinagbibidahan nila ni Yassi Pressman at simula this Monday ang airing, 9 p.m., sa TV5, sa direction ni GB Sampedro. Hindi namin napagsalita si Vin kung sino kina Kylie Padilla at Louise delos Reyes ang gusto niyang maging GF ni Aljur Abrenica. Ang sinabi niya lang, mas close si Louise sa sister nila, kaya siguro si Louise ang inimbitahan sa debut nito at hindi si Kylie.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALVIN

ALVIN PATRIMONIO

GLEN SIBONGA

KYLIE PADILLA

MY FIANC

SINCE BIRTH

VIN ABRENICA

YASSI PRESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with