Ellen Adarna alak ang kinaibigan nang makahiwalay ang bf
Kilala si Ellen Adarna sa pagiging honest at prangka pagdating sa kanyang personal na buhay. Sa panayam sa kanya nina Boy Abunda at Kris Aquino ng Aquino & Abunda Tonight, inamin ni Ellen na inom daw siya nang inom after ng break-up ni Raoul Olbes dahil totoong naapektuhan siya nang husto. Pero ngayon ay okey na umano siya at ready to work again. Halos dalawang taon din ang kanilang naging relasyon at pitong taon silang magkakilala.
Aminado si Ellen na sa kanya ang problema kaya naghiwalay sila.
Malapit nang mapanood si Ellen sa bago nitong teleserye sa bakuran ng ABS-CBN, ang local adaptation ng Colombian TV series of the same title, ang Pasion de Amor kung saan niya makakasama si Ejay Falcon na nali-link sa kanya ngayon.
Alonzo naglalagare sa rami ng trabaho
Dalawang TV series ang nilalagare ngayon ng bagong Child Wonder na si Alonzo Muhlach, ang TV remake ng pelikulang Inday Bote na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga at ang summer special presentation ng Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures na pinagsasamahan naman nila nina Coco Martin at Julia Montes.
Mauunang ipalabas ang Inday Bote ngayong March 16.
Since malapit na ang summer vacation, malamang na simulan na rin ni Alonzo ang kanyang launching movie sa bakuran ng Viva Films na nakatakdang ipalabas sa school opening in June.
Si Alonzo ay isa sa mga nominadong Best Child Performer (for the movie My Big Bossing) sa Star Awards for Movies ng PMPC na gaganapin sa Solaire Theater ngayong linggo, March 8, 7:30 p.m.
Isabel handa na ang isusuot sa kasal
Ang Vera Wang wedding gown ang advance wedding gift ni John Prats sa kanyang nalalapit na makakaisang-dibdib na si Isabel Oli. Ito’y binili ni John sa kanyang fiancée nang sila’y magtungo ng Los Angeles, California for the Christmas and New Year holidays.
Nakatakdang ikasal sa buwan ng Mayo ang celebrity couple na gaganapin sa farm ng mga Prats sa Batangas.
- Latest