^

PSN Showbiz

Young actor na hambog iniisnab-isnab ng cameramen!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pagdesisyunan pa ng pamilya ni Jam Sebastian kung bukas o sa Martes nila ito ililibing.

Tuluy-tuloy ang pagdating ng supporters ng Jamich sa pinagburulan kay Jam sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque.

Kamakalawa ng gabi,  namataan namin ang isang kilalang young actor na pumunta sa burol para makiramay.

May kasamang magandang girl si young actor. Napansin ni aktor na kinukunan siya ng mga cameraman, bumulong ito sa mga cameraman na huwag siyang kunan na kasama ‘yung girl.

Kapu-post lang kasi ni young actor na single siya at masaya raw siyang single.

PAK:  Nakatsikahan na rin namin ang ilang kaibigan naming cameraman, meron din pala silang kinaiinisang young actor na ubod daw ng yabang.

Nung minsang pinuna na ‘yan ng ilang reporter, nagbait-baitan si young actor.

Pero ngayon ay bumalik na naman daw ang pagkamahangin nito kaya sa irita ng mga cameraman, hindi siya kinukunan kapag nandun siya sa  isang event na kinu-cover.

Minsan sa isang show ay ang lakas daw ng hangin nitong nagsalita na hindi pa raw dapat magsimula ang show na sinalihan niya dahil hindi pa raw siya bihis. Tumaas na lang daw ang kilay ng mga nakarinig.

BOOM: Ang daming naaliw sa pagsuot ni Dingdong ng high-heeled shoes ng babae sa isang event ng National Youth Commission kahapon.

Ipinost ng GMA Primetime King ang kuha niyang naka-red na heels na sponsored pa raw iyun ni Marian Rivera.

Sabi niya sa kanyang Instagram account; “Nagsuot ako ng heels bilang pagbigay pugay sa mga kababaihan sa buong mundo, lalo na sa buhay ko, ang aking Nanay, mga kapatid, at Lalo na ang aking asawang si Marian.”

Bahagi ito ng event na ito ng National Youth Commission, nag-martsa si Dingdong sa labas ng kanilang tanggapan suot ang size 11 na heels kasama ang iba pang kalalakihan.

Sabi pa niya: “Kaya ngayon na may asawa na ako, mas magandang maintindihan ko ang mga sacrifices that you have made, and will continue to do for me.”

vuukle comment

JAM SEBASTIAN

LOYOLA MEMORIAL PARK

MARIAN RIVERA

NATIONAL YOUTH COMMISSION

PRIMETIME KING

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with