^

PSN Showbiz

Sabi ng mga doktor Jolo on the road to recovery na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang Chief Medical Officer ng Asian Hospital and Medical Center na si Dr. Joven Jeremius Tanchuco ang nag-release kahapon ng latest medical bulletin tungkol sa kalagayan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Kinumpirma ni Dr. Tanchuco na on the road to recovery na si Jolo mula nang ma-confine ito sa ospital dahil sa self-inflicted wound. Ito ang kanyang detalyado na explanation;

 “Vice Governor Jolo Revilla continues to show improvement even as his condition is being closely monitored. At this time, there is no indication he has a hospital acquired infection.

“A day after his hospital admission, Vice Governor Revilla had one episode of low grade fever. Intravenous antibiotic was shifted to one which had a broader spectrum. The last episode of fever was on the morning of March 3, and the atelectasis and a resolving lung infection are the most likely causes of the fever. An ongoing review of his clinical course revealed that as of this update, the patient does not fit the criteria to be considered as a case of Hospital Acquired Pneumonia.

“Overall, Vice Governor Revilla’s condition continues to improve. Chest tube output has started to clear and was only 120 ml in the last 24 hours. He is on his third day of intravenous antibiotic and he has remained afebrile for more than 24 hours. Bowel movement has normalized. Oxygen support has been reduced to an as needed basis.

“He has been ambulating within the room as advised by his attending doctors to help resolve the atelectasis and prevent complications. There is no further episode of hemoptysis.”

Pelikulang Kid Kulafu itataon sa laban ni Pacman kay Mayweather

Malakas ang kutob ko na itataon sa laban nina Congressman Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. ang showing sa mga sinehan ng Kid Kulafu.

Ang Kid Kulafu ang life story ni Papa Manny na isinalin sa pelikula ng dyowa ni Toni Gonzaga, ang direktor na si Paul Soriano.

Tungkol sa mga karanasan ni Papa Manny noong bagets at aspiring boxer pa siya  ang kuwento ng Kid Kulafu.

Si Buboy Villar ang gumaganap na young Manny Pacquiao at si Cesar Montano ang  kamag-anak niya na nagturo sa kanya ng boxing.

Makulay at madrama ang buhay ni Papa Manny noong bagets pa ito at  dahil mahusay na direktor si Paul, nagtagumpay siya na balikan ang kuwento ng nakaraan ng Pambansang Kamao.

Ang isali sa Metro Manila Film Festival noong 2014 ang Kid Kulafu ang original plan ni Paul pero hindi natuloy.

Blessing in disguise ang nangyari dahil  matutupad na ngayong 2015 ang pinakahihintay na bakbakan nina Papa Manny at Mayweather Jr. Nabuhay uli ang interes ng mga Pinoy sa life story ni Papa Manny kaya perfect na ipalabas ang Kid Kulafu sa mga sinehan bago mangyari ang boxing fight nina Papa Manny at Mayweather.

Ang Star Cinema ang distributor sa mga sinehan ng Kid Kulafu.

Inilabas ng Star Cinema ang trailer ng pelikula noong last week ng February at marami ang na-excite nang mapanood ang teaser ng biggest movie break ni Buboy na malapit nang tumuntong sa bakuran ng ABS-CBN dahil dito ginaganap ang mga presscon ng Star Cinema. Bagay na bagay kay Buboy ang role dahil may hawig siya kay Papa Manny noong bagets pa ito.

                               

ANG CHIEF MEDICAL OFFICER

ANG KID KULAFU

KID KULAFU

MANNY

PAPA MANNY

STAR CINEMA

VICE GOVERNOR REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with