^

PSN Showbiz

Edu walong taon hindi umarte

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Halos walong taon din ang binilang bago muling naka­balik si Edu Manzano sa paggawa ng teleserye. Kung ma­­tatandaan pa, si Edu ay huling napanood sa seryeng Walang Kapalit ng ABS-CBN na tinampukan noon nina Piolo Pascual at Claudine Barretto at natutuwa siya na ito’y kanyang binalikan sa pamamagitan ng bagong TV drama series ng Dos, ang Bridges of Love na tinatampukan nina Jericho Rosales, Maja Salvador, Paulo Avelino kasama si Carmina Villaroel.

Ngayong balik-Kapamilya si Edu, may lumulutang ding balita na magkakaroon din ito ng isang prog­rama na siya rin mismo ang host.

Proud si Edu sa kanyang panganay na anak (sa ex-wife na si Gov. Vilma Santos) dahil sa pagiging mahusay nitong TV host at actor.  Natutuwa rin ang TV host-actor na hindi na itutuloy ni Luis ang plano nitong pagpasok sa pulitika bagay na kanyang sinusuportahan.

Gangnam ni Lee Min Ho wala nang urungan ang pagpapalabas sa ‘Pinas

Another first na maituturing ang pagsasanib-puwersa ng Viva Entertainment, Inc. at SM Lifestyle Entertainment, Inc. para sa SineAsia na hangaring maipalabas sa Pilipinas ang mga hit movies sa Asia na may Tagalog dubbing o Tagalized.

Ang Gangnam Blues, isang kakaibang action movie na pinagbibidahan ng Korean superstar na si Lee Min Ho ang buena mano sa mga Asian mo­vies na palabas sa ilalim ng SineAsia na nagkaroon ng spe­cial screening sa Cinema 11 ng SM Megamall last Tuesday evening.

Ang Gangnam Blues ng South Korea ay simula pa lamang ng marami pang Asian movies na maipapalabas sa SM Theaters at WM Cinemas nationwide.

vuukle comment

ANG GANGNAM BLUES

BRIDGES OF LOVE

CARMINA VILLAROEL

CLAUDINE BARRETTO

EDU

EDU MANZANO

GANGNAM BLUES

LEE MIN HO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with