TV5, umani ng pinakamaraming Gawad Tanglaw awards for news
MANILA, Philippines – Ang News and Information Division ng TV5 na News5 ang naging most awarded news organization sa nakaraang 13th Gawad Tanglaw sa Sining at Kultura awarding ceremonies na ginanap kamakailan sa University of Perpetual Help System sa Las Piñas City. Nagkamit ang TV5 ng 10 awards mula sa Gawad Tanglaw, at anim dito ay iginawad sa news at public affairs programs ng News5 at sa mga news anchor at host nito.
Ang primetine newscast ng TV5 na Aksyon ang nag-uwi ng malaking karangalan bilang Best News Program habang ang News5 Head at main anchor ng Aksyon na si Luchi Cruz-Valdes naman ay kinilala bilang Best Female News Program Anchor. Tumanggap din si Cruz-Valdes ng Gawad Tanglaw award para sa kanyang public affairs program na Reaksyon na nanalo bilang Best Public Affairs Program.
Nanalo rin ng Gawad Tanglaw awards para sa News5 sina Lourd de Veyra bilang Best Male News Program Anchor, ang T3: Enforced bilang Best Public Service Program, at ang Aksyon sa Umaga bilang Best Morning Program.
Nagbunga rin ng karangalan ang quality entertainment at sports programs ng TV5 sa pagkapanalo ni Martin Escudero bilang Best Actor para sa pinagbidahan niyang groundbreaking drama na Positive. Ang long-running game show na Who Wants to be a Millionaire ay kinilala bilang Best Game Show, at ang flagship program ng TV5 na Talentadong Pinoy naman ang kinilalang Best Reality Talent Show. Ang sports production arm ng TV5 na Sports5 naman ay ginawaran ng special Gawad Tanglaw Developmental Communication Award para sa comprehensive coverage nito ng nagdaang 2014 FIBA Basketball World Cup
- Latest