^

PSN Showbiz

Coco hahabol sa Panagbenga ng Baguio

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aakyat ng Baguio City ang Teleserye King na si Coco Martin kasama ang iba pang naglalakihang ABS-CBN stars para makipagdiwang kasama ang Kapamilya fans na dadalo sa taunang engrande at makulay na Panagbenga Festival.

Gaganapin ang Panagbenga Kapamil­ya Karavan ng ABS-CBN Regional sa Marso 7 (Sabado) sa ganap na alas-kwatro ng hapon sa Melvin Jones Grandstand sa Burnham Park.

Bukod kay Coco, tampok din sa prog­rama sina Zanjoe Marudo, Jana Agoncillo, at Beauty Gonzales ng Dream Dad; Jane Oineza, Jerome Ponce, Loisa Andalio, at Joshua Garcia ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita; at Nash Aguas, Alexa Ilacad, at Ella Cruz ng Bagito. Manghaharana at magpapakilig naman sa mga kababaihan ng Summer Capital of the Philippines ang patok na pop boyband ng Star Music na Gimme 5, na binubuo nina Nash, Joaquin Reyes, John Immanuel Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Arquiza.

Ang Panagbenga Kapamilya Karavan ay magsisilbing simula ng year-long celebration ng ika-20 anibersaryo ng ABS-CBN Baguio na pinamagatan nilang “Taon ng Pasasalamat.”

Bukod sa espesyal na pagbisita ng ilan sa pinakamalalaking bituin ng ABS-CBN, isa rin sa highlight ng pagdiriwang ang PINASikat segment, ang talent search na magtatampok sa angking galing at talento ng mga Kapamil­ya sa Northern Luzon.

Kasamang makikipagdiwang sa Panagbenga Kapamilya Karavan ang hosts ng programa na sina MagTV Atin ‘To presenter Kiko Villalba at MOR 103.1 Bagiuo DJs na sina Juan Romantiko, JBrosas, BongBastic, Magic Chan, at Grasya Pantasya.

Ang Panagbenga Kapamilya Karavan ay hatid sa Kapamilya fans ng ABS-CBN Regional (unang nakilala bilang ABS-CBN Regional Network Group), ang nationwide TV at radio network ng ABS-CBN Corporation.

ABS

ALEXA ILACAD

ANG PANAGBENGA KAPAMILYA KARAVAN

BAGUIO CITY

BEAUTY GONZALES

BRACE ARQUIZA

BUKOD

BURNHAM PARK

CBN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with