Vicky Morales kinilalang 2015 Adamson Media Awardee
MANILA, Philippines – Pinarangalan si GMA News pillar Vicky Morales bilang Adamson Media Awardee of 2015 sa isang seremonyang idinaos sa Adamson Theater noong Pebrero 18.
Si Morales ay co-anchor ng primetime newscast ng GMA na 24 Oras at host naman ng public affairs programs na Wish Ko Lang (GMA) at Good News (GMA News TV). Siya rin ang ika-apat na Kapuso news personality na umani ng naturang parangal kasunod nina Kara David (2013), Jessica Soho (2012), at Howie Severino (2011).
Mula sa 118 kandidato na galing sa broadcast, print, at new media, nagwagi si Morales sa pamamagitan ng survey na idinaos sa select partner communities ng Adamson University (AdU) at sa isang vote-casting ng iba’t ibang departamento ng AdU.
Limang taon na mula nang ilunsad ang Adamson Media Award na naglalayong kilalanin ang media practitioners na ang mga gawa ay nagsusulong ng “poverty alleviation, education, and public information” at nagpapamulat sa publiko patungkol sa iba’t ibang “critical and social issues” sa bansa.
- Latest