^

PSN Showbiz

Aktres mayaman ang masugid na manliligaw, pero chaka ang face!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mayaman ang masugid na manliligaw ng aktres na hiwalay sa asawa pero malabo na magkaroon sila ng relasyon.

Una, hindi pa annulled ang kasal ng aktor at ng aktres. Pangalawa, hindi kagandahang-lalaki ang mhin at kung ito ang ipapalit ng aktres sa aktor, mga panlilibak lang ang aanihin niya.

Baka sabihin ng mga laitero na maghahanap lang siya ng boyfriend, hindi pa kasing-guwapo ng aktor na may edad na pero habulin pa rin ng mga babae.

Choosy ang aktres na ayaw na ayaw ng napipintasan kaya maingat na maingat siya sa pagtanggap ng mga manliligaw.

Dapat nang mag-ingat dahil sa edad Madonna nalaglag sa stage habang kumakanta!

Wish ko lang, hindi nabalian ng buto si Madonna dahil nalaglag siya mula sa stage habang kumakanta siya sa Brit Awards na ginanap noong Miyerkules.

Ang sey ni Madonna, she’s fine pero dapat na obserbahan siya dahil hindi maganda ang kanyang pagkakabagsak.

Sa edad na 56, hindi na bumabata at unti-unti nang lumulutong ang mga buto ni Madonna kaya dobleng ingat ang kailangan para hindi na maulit ang freak accident na nangyari.

Sa sinapit na karumal-dumal na traffic mga tao hindi tinanggap ang apology ng Malacañang

Nag-apologize kahapon ang Malacañang Palace sa lahat ng mga naperwisyo ng kasumpa-sumpa na trapik sa EDSA noong Miyerkules dahil sa paggunita sa 29th year ng EDSA Revolution.

Nagdusa ang lahat ng mga nagdaan sa EDSA, mapa-artista man o ordinaryong tao.

Isa lamang si Isabelle Daza sa maraming artista na hindi makapaniwala na maiipit siya ng grabeng trapik sa EDSA ng 6:40 a.m.

‘Yung isang kakilala ko, umalis ng bahay niya sa Sampaloc ng 7:30 a.m. at dumating sa kanyang workplace sa Pasig City ng 12 noon kaya parang bumiyahe na rin siya sa Baguio City.

Kahit nag-sorry ang Malacañang Palace at si MMDA Chairman Francis Tolentino, hindi nabawasan ang galit ng mga tao na nagsabi na idineklara na lang sana na holiday ang February 25 para hindi sila naging biktima ng karumal-dumal na traffic situation sa EDSA na isinara dahil nga sa EDSA Revolution celebration.

Max, Geoff, Empress at Dion magpapalamig sa Baguio

Ang Rambakan Drive ng SM City Baguio ang venue ng Kapuso Night na magaganap bukas ng hapon, 5 p.m.

Performers sa Kapuso Night ang cast ng The Half Sisters at Kailan Ba Tama ang Mali?

Ang Kapuso Night sa Rambakan Drive ay bahagi ng Panagbenga Festival sa Baguio City na taun-taon na dinarayo ng mga turista.

Sasakay din sa mga float ng Panagbenga Festival ang mga artista ng The Half Sisters at Kailan Ba Tama ang Mali? sa pangunguna nina Max Collins, Geoff Eigenmann, Empress Schuck, at Dion Ignacio.

Nang-insulto kay Pacman sa PBA nagbabu na sa ‘Pinas

Nag-goodbye Philippines na pala si Daniel Orton, ang PBA import na nang-insulto kay Congressman Manny Pacquiao.

Pinagmulta si Orton ng US$5,650 at pinatalsik siya bilang player ng Purefoods dahil sa kanyang statement na big joke ang paglalaro ni Papa Manny sa PBA.

Parang hindi naman naging bitter si Orton sa nangyari sa basketball career niya sa Pilipinas dahil pinasalamatan niya ang Diyos at ang kanyang basketball team nang magbabu siya.

BAGUIO CITY

HALF SISTERS

KAILAN BA TAMA

KAPUSO NIGHT

MALACA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with