Natakot ‘makarma’ Julia personal na inabot ang imbitasyon ng debut kay Dennis?!
Natakot sigurong mawalan ng career si Julia Barretto kaya nakipag-ayos na sa amang si Dennis Padilla. Ayon sa isang source, pinuntahan ni Julia ang ama sa taping ng Deal or No Deal the other night at umano’y inabutan ng imbitasyon para sa kanyang debut next month.
Ayon sa isang source, may nagpayo kay Dennis na sakaling imbitahan siya sa debut ng anak dapat mismong si Julia ang mag-aabot ng invitation sa kanya. Feeling ng source, nakarating ‘yun sa Star Magic, ang management group ng young actress. At obviously ay kinausap daw si Marjorie sa gusto ni Dennis hanggang makarating kay Julia.
At ‘yun nga, malamang na-realize raw ng mag-inang Marjorie at Julia na magbe-benefit pa ang young actress pag inimbitahan ang ama.
Ang alam pa ng isang source, ang stepfather ni Julia ang gagastos sa nasabing debut. Huh! Meron ba siyang stepfather? Parang wala namang nakakaalam?
Maalalang kamakailan lang ay nagsalita si Dennis na inisnab-isnab siya ng anak sa isang Christmas party kahit na pinagsabihin na siya ng isang talent manager na batiin na niya ang ama.
Dinipensahan ‘yun ni Marjorie na hindi raw nakita ng anak si Dennis at sinabi pang dapat ang ama ang bumabati sa anak na mas napasama pa para sa young actress.
Anyway, true enough naman, malaking ganda points ang ginawa ni Julia sa pagpunta sa ama at umano’y pag-aabot ng personal sa invitation para sa kanyang debut. ‘Yun nga lang may ilan pa ring nagdududa sa kanyang sincerity lalo na nga’t ipinabubura niya ang apelyido ng komedyante sa kanyang pangalan.
Nag-apela nga lang sa korte si Dennis kaya umano’y itinuloy ang hearing.
Charo Santos magre-retire na
Magre-retire na pala this year si Miss Charo Santos-Concio as president ng ABS-CBN.
Ang kasalukuyang Covergence head na si Mr. Leo Katigbak ang balitang papalit sa posisyong iiwan ng dating aktres.
Pero hindi naman daw totally mawawala sa network ni Ms. Charo dahil magsisilbi pa rin siyang consultant ng network.
- Latest