^

PSN Showbiz

Cinemalaya malabo na ang kapalaran

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Simula March 18 hanggang 24, makakapanood ang mga Pinoy ng pelikulang magpapamalas ng kultura at tradisyon nating mga Pilipino, maging mga social issues ng bansa.

Ang bagong pista ng pelikula na pinamumunuan ni Wilson Cheng, CEO at founder ng Solar Entertainment at Brillante Mendoza, multi-awarded director ay mapapanood sa piling sinehan ng SM simula March 18 hanggang March 24.

Limang independent filmmaker ang pinili nina Cheng at Mendoza na gumawa ng mga pelikula na mapapanood sa tinatawag nilang Sinag Maynila Film Festival. 

Ang dalawa ang nagpaluwal ng perang ga­gamitin sa paggawa ng mga pelikula. Tutulong din sila para maipalabas ang mga ito sa mga international film festival. Ang pangunahing layunin ng Sinag Maynila Film Festival ay ma-promote ang mga pelikula sa global scene. 

Hindi lamang mga kuwento na naka-focus sa Kamaynilaan ang gagawin kundi mga regional stories na magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral.

Ang limang pelikula na mapapanood sa SMFF ay ang Balut Country ni Paul Sta. Ana, Ninja Party ni Jim Libiran, Bambanti ni Zig Dulay, Imbisibol ni Lawrence Fajardo at Swap ni Siega Zuasola.

Sa pagsisimula ng SMFF, makakahinga na ng maluwag ang mga mahilig manood ng sine kahit medyo humina na ang Cinemalaya Film Festival dahil sa pagkalas dito ng benefactor na si Tony Boy Cojuangco.

Hindi naman mawawala completely ang Ci­nemalaya Film Festival. Susuportahan ito ng Quezon City government sa pamumuno ni Mayor Herbert Bautista kung papayag itong sa mga sinehan sa Lunsod ng Quezon ipalalabas ang kanilang mga pelikula. Pero habang wala pang kasunduan na nararating sa pagitan ng Quezon City at Cinemalaya, gaganapin muna ito sa buwan ng Agosto in a smaller scale.

Mandirigma sinugalan ng baguhang produ

Marami ang humahanga sa lakas ng loob ng isang 23 taong gulang na law student na magtayo ng kumpanya na may kinalaman sa production at talent management.

Ang kumpanya ay itinatag ni Mark Angelo Castillo at pinamumunuan nito bilang pangulo sa tulong ng kanyang chief operating officer na si Kim Reyes at Atty. Kristoffer Bryan Salom. Ipinagmamalaki ni G. Castillo na hindi magi­ging problema ng kumpanya niyang Starquest Alliance Corportion, Inc. ang pera. Isang world class multimedia production company ang SAC na 100% Filipino ang may-ari at layong magbigay ng high quality entertainment at creative concepts sa pamamagitan nga event productions, talent management, at film production.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mga nakaiskedyul na events ang Starquest tulad ng school concerts, fun run, company product exposure, car show, at slim body model search.

Mayro’n na rin itong major film production na ginagawa, ang Mandirigma sa direksyon ng magaling na journalist na si Arlyn dela Cruz bukod pa sa mga musical concert at international shows sa Japan at Dubai.

Ang pelikulang Mandirigma ay nakatakdang matapos sa buwan ng Marso. Hindi na si Derek Ramsay ang tampok na artista sa istorya na ito ng Philippine Marines na base sa mga totoong pangyayri. Dahil sa kabisihan nito, kinailangan siyang palitan ni Luis Alandy.

Maui pinagbawalan nang maghubad at makipaglaplapan

May bagong buhay na ang dating sexy actress na si Maui Taylor. Limitado na rin ang kanyang mga trabaho pero maari pa naman siyang lumabas sa anumang proyekto. Pero ‘yung walang hubaran at halikan. Kung ‘yung maging sexy lamang sa cover ng isang men’s magazine ay bawal na si Maui, ‘yun pa kayang makipag-love and kissing scene?

Hindi pa kasal si Maui sa kanyang partner na si Anton Sabarre, pero mang­yayari rin ito kapag puwede na nilang maging ring bearer ang anak nila. In the meantime, biyahe muna sila nang biyahe kapag may pagkakataon.

vuukle comment

ANTON SABARRE

BALUT COUNTRY

BRILLANTE MENDOZA

MANDIRIGMA

MAUI

QUEZON CITY

SINAG MAYNILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with