^

PSN Showbiz

Kaya hiniwalayan: Aktor nandiri nang makitang nakanganga at naglalaway ang GF na aktres!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Excited si Gloc 9 sa MYX Music Awards dahil isa siya sa may pinakaraming nominations, kagaya nina Sarah Geronimo at Daniel Padilla.

Nominated si Gloc 9 sa kategoryang Best Collaboration at Best Music Video sa awi­ting Takipsilim kung saan kasama niya si Regine Velasquez.

Nominado rin si Gloc 9 sa kategoryang Best Urban Video sa kantang Businessman, at sa Favorite Artist at Favorite Male Artist.

Sa March 25 na ang awarding ng MYX Music Awards na gaganapin sa Samsung Hall sa SM Aura.

PAK: Natawa kami sa kuwento ng isang kilalang aktor na nakipag-break sa kanyang girlfriend dahil sa nakita niyang katsakahan ng mukha nito pagkagising sa umaga.

Minsan daw pagkagising niya kung saan katabi sa pagtulog ang girlfriend, biglang na-turn off daw siya nang nakita ang syota na nakanganga at parang naglalaway pa.

Biglang nagbago raw ang feelings niya sa girlfriend, at magmula nun parang nabawasan na ang pagtingin niya hanggang sa tuluyan na silang nag-break.

BOOM: Tila emotional si Kobe Paras sa huling post niya dahil sa mga pasabog na naman ng ina niyang si Jackie Forster laban sa kanilang amang si Benjie Paras.

Kahapon ay nag-post si Kobe sa kanyang instagram account ng litrato nila ni Andre Paras nung bata pa sila, at mensahe para sa kapatid.

Aniya; “We’ve been through so much that no one knows about. We’ve had our ups and downs as brothers and friends but in the end we’re still there for one another. Love you my man. Miss you Dre!!!”

Si Jackie naman sinagot si Benjie sa kanyang IG account.

Bahagi ng post nito; “If I am the one who Can’t Move On…and if the issue from the other side is that I was unfaithful..

“Then why didn’t he just allow me to leave?

“We spoke and agreed about temporary separation…when he found out I found my own apartment with my own money.

“He locked me up in our home! Literally he used a padlock so I could not leave so our gates were locked til he got home.”

May ilalabas pa raw siya na dumi ni Benjie para maintindihan daw ng mga anak nila ang totoong kuwento.

Pero hindi na ito pinapansin ni Benjie. Alam niyang mangyayari at mangyayari talaga ito, dahil ayaw pa rin siyang tigilan ni Jackie.

ANDRE PARAS

BENJIE

BENJIE PARAS

BEST COLLABORATION

BEST MUSIC VIDEO

BEST URBAN VIDEO

DANIEL PADILLA

FAVORITE ARTIST

GLOC

MUSIC AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with