Sigurista hunk actor nagpapa-‘full tank’ muna bago magtrabaho!
Nabuhay na naman ang mga kuwento tungkol sa isang hunk actor na kung ilarawan ng mga nakakakilala sa kanya ay parang kotse na kapag hindi ginasolinahan ay hindi aandar.
Ganu’n nga. Napakasegurista kuno ng kilalang hunk actor na ito, hindi siya puwedeng maisahan ng kahit sinong katransaksiyon niya dahil downpayment muna, bago ang anumang aksiyon.
Kuwento ng isang source, “Hindi pa siya artista nu’n, hindi pa siya member ng isang grupong pinagkakaguluhan ng mga kababaihang fans, talagang mapagsiguro na siya. Marunong na siya sa buhay.
“Kapag may booking siya, downpayment muna, para siguradong walang takbo ang pakikipag-transaction niya. Bago siya makipagkita sa client niya, full payment na ang kailangan, mahirap na nga namang maonse siya, ganu’n katindi sa pera ang hunk actor na ‘yun!” madiing kuwento ng impormante.
May naging karelasyong beki ang hunk actor, ginamit niya nang husto ang beki, kuminang ang kanyang pangalan kahit hindi naman siya ganu’n kagaling umarte. Marami siyang naging proyekto, kinabog niya ang mas magagaling umarteng aktor na kasabayan niya, iba na nga naman ang nakasandal sa pader.
Pero bago pala niya “premyuhan” ang beki ay meron muna siyang mga demand. Ite-text niya ang beki kung anu-anong stuff ang gusto niya, sasabihin niya sa baklush kung saan mabibili ang mga kapritso niyang kagamitang personal, kailangang bitbit na ‘yun ng beki kapag nagkita sila.
“Para siyang kotse, hindi siya aandar kapag wala siyang gasolina. At hindi lang basta ganu’n, kailangang i-full tank siya!” napapailing na kuwento ng isang source.
Matamlay na ngayon ang career ng hunk actor, madalang na siyang magkaproyekto, hindi na rin siya masyadong mabenta sa merkado dahil nagkakaedad na siya.
Ubos!
Aminin o i-deny kaya ni Mayor: Kris niyayang pakasal ni Mayor Herbert!
Talaga lang, ha? Napakasuwerte naman pala ni Kris Aquino kung totoo ngang niyaya siyang magpakasal nu’n ni Mayor Herbert Bautista. Pagod na pagod na raw kasi ang aktor-pulitiko sa estado ng kanyang buhay na nakikipagrelasyon na lang palagi pero wala namang kinauuwiang kasalan.
Ang suwerte-suwerte naman ni Kris kung ganu’n dahil may mga anak ang mayor ng Kyusi sa dalawang babae, tatlo pa nga raw sabi ng aming impormante, pero ni paramdam lang ng pagpapakasal ay hindi natikman ng mga ito.
May isang source kaming nakausap na nagsabing parang takot sa kasal ang aktor-pulitiko, mahilig lang daw itong makipag-flirt-an, pero hanggang dun lang ang lahat.
Pero dahil sa rebelasyon ni Kris na nag-propose sa kanya ng kasal si Mayor Herbert nu’ng nakaraang taon ay parang pinasinungalingan nito ang kapaniwalaan ng marami na hanggang pakikipagrelasyon lang naman na walang kasalan ang alam ng mayor ng Kyusi.
Ano kaya ang masasabi nina Mayora Tates Gana at Eloisa Matias sa rebelasyon ni Kris? May mga anak sa kanila si Mayor Herbert, pero kahit pabulong lang yata ay hindi naman sila inoperan ng kasal ng ama ng kanilang mga anak, masakit ‘yun sa pandinig.
Ang tanong, panindigan naman kaya ng aktor-pulitiko ang kuwento ni Kris? Hindi kaya isang araw ay pabulaanan ‘yun ng mayor ng Kyusi? At pagsimulan na naman ‘yun ng hindi nila pagkakaunawaan ngayong ipinagmamalaki pa naman ni Kris na magkaibigan pa rin sila ni Mayor Bistek?
Aabangan namin ang kuwentong ito.
- Latest