Miriam isasabay sa International Women’s Month ang book launch
MANILA, Philippines – Ang book launch ni Miriam Quiambao na magaganap sa March 21 sa Glorietta Activity Center.
Dapat ay noong February 20 balak ni Miriam gawin ang nasabing book launch dahil February 20, 1999 siya kinoronahan bilang Binibining Pilipinas-World, 16 years ago, pero ipinagpaliban niya ‘yon at gagawin na nga lang sa March 21 dahil International Women’s Month ang buwan ng March.
Yes, tama ang nabasa ninyo na kinoronahan si Miriam bilang Binibining Pilipinas-World at kaya lang siya ang nag-represent sa Miss Universe beauty pageant noong taon din na ‘yon ay dahil na-dethroned bilang Binibining Pilipinas-Universe si Janelle Bautista.
Si Miriam ang naging first runner-up sa Miss Universe 1999.
Ogie hindi ‘nanliliit’ sa mga basketbolistang kasama
Ang bagong sitcom ni Ogie Alcasid sa TV5 kung saan kasama niya ang PBA players na sina Beau Belga (Rain or Shine), Willie Miller (Talk ‘N Text), Gary David (na big winner ng Celebrity Dance Battle at tinaguriang El Granada sa PBA), at UAAP player (Ateneo de Manila University Blue Eagles member) Kiefer Ravena.
Nag-pictorial na noong Lunes si Ogie at ang mga basketbolista para sa nasabing sitcom.
Sa March 23 pa ang start ng taping nila at sa May magsisimulang umere sa Kapatid network.
Advance na ang taping para sa nasabing sitcom para hindi magkaroon ng problema kapag may basketball games ang mga player.
Sabi ni Ogie, solb siya sa mga basketbolistang kasama sa bagong sitcom dahil katulad niya ay may mga “katok” din ang mga ito.
Ogie nanguna sa pagpapaiyak!
Speaking of Ogie, siya ang nanguna sa finale song na Bayan Ko sa Jammin’ for Help! BRAVE, ang fundraiser concert ng napakaraming singers noong Lunes ng gabi sa The Theater ng Solaire Resort and Casino.
Maraming naluha habang kinakanta ang Bayan Ko sa nasabing concert na ang beneficiary ay ang mga naulilang pamilya ng SAF (Brave) 44.
- Latest