^

PSN Showbiz

Dating sexy actor na kumikita ng malaki sa Japan, umuwing luhaan dahil sa panloloko

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Tinatakan na pala ng mga kababayan nating Japayuki (mas angkop daw na tawagin silang overseas performers-entertainers) ang isang dating nagpapaseksing aktor nu’ng kanyang panahon.

Nakilala siya bilang paboritong leading man ng mga sexy stars, marami siyang nagawang pelikula, hanggang sa tumamlay na ang kanyang career at naisipan niyang magpunta sa Japan para magtrabaho.

Sa hosto bar siya nagtagal, tume-table siya sa mga kababaihan at kabaklaan, hindi naman siya nabibigo dahil bumabalik ang aktor sa kanyang tinitirhan na punumpuno ng lapad ang kanyang bulsa.

Palaging ganu’n ang mga gabi sa buhay ng aktor, malakas siyang kumita, maraming kababaihan at beking nagkakagustong i-table siya na ang kapalit siyempre’y makasaysayang lapad.

Pero dumating ang panahon na hindi na siya masaya sa kanyang ginagawa, pinabilis niya ang pagkita nang mas malaki, du’n na siya tinatakan ng mga Japayuki at ng mga Haponesang dati’y giliw na giliw sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Niyayaya na niyang mag-shopping ang mga c­lients niya, splurge-to-the max ang ginagawa niya, nagsamantala siya nang husto kaya kumalat nang kumalat ang kuwento ng mga pinagagagawa niya.

“Kung anu-anong emote rin ang ginagawa niya sa mga Japayuki, kesyo may nangyari sa kanyang pamilya sa Pilipinas kaya malaking pera ang kailangan n­iyan­g ipadala. Kaso lang, nakahalata ang mga kababayan natin na pare-pareho lang ang mga kuwento niya sa lahat ng mga nakakausap niya.

“Du’n na siya bumagsak, wala nang nagkakainteres sa kanya, hanggang sa wala na siyang choice kundi ang umuwi na lang dahil saturated na niya ang market. Bumalik man siya ngayon du’n, e, hindi na rin gaya nang dati ang kikitain niya, buking na kasi ang mga emote niya du’n, magsasayang lang siya ng panahon,” kuwento ng aming impormante.

Palaging bumibida nu’n ang nagpapaseksing aktor na ito sa isang produksiyon na ikinakambal ang pangalan sa isang uri ng wallet na masuwerte.

Ubos!

Xian walang binatbat sa kabaitan ni Coco

Puring-puri si Coco Martin ng kanyang mga ka-village pati na ng mga bisitang pumapasok sa kanilang komunidad. Umalsa ang papuri sa aktor dahil sa kinasangkutang isyu ng pagsusuplado ni Xian Lim sa probinsiya ng Albay.

Coast to coast ang pagkukumpara sa dalawang personalidad, dulo at dulo, pagkalayu-layo ng mga ugali nila ayon sa aming mga impormante.

May bakanteng lote sa tabi ng mansyon ni Coco sa nasabing subdivision. Kapag wala siyang shooting o taping ay makikita ang aktor na naggagambol ng mga pananim niyang gulay sa bakanteng lote na hiniram niya sa mga tagapamahala ng kanilang lugar.

Natural, si Coco Martin ang nagta­trabaho sa gulayan, kaya ang mga dumadaan ay humihiling ng retrato na kasama siya. Hindi nagdadalawang-salita ang mga nakikiusap kay Coco, siya pa nga ang humihingi ng paumanhin, dahil ganu’n ang kanyang hitsura at may putik pa sa mga kamay.

Sabi ng isang anak-anakan naming nakatira rin sa nasabing subdivision, “Walang kayabang-yabang si Coco, tawagin mo ang name niya at kakaway agad siya. Napakagaling niyang umarte, sikat na sikat pa siya, pero wala kang mararamdamang kaangasan sa kanya.”

At may bawi pa ang aming kausap, “E, si Xian Lim nga, banong umarte, hindi pa naman siya ganu’n kasikat, pero napakaangas na niya!”

Ubos uli.

vuukle comment

COCO MARTIN

JAPAYUKI

KANYANG

NIYA

PALAGING

SIYA

UBOS

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with