^

PSN Showbiz

Oscars mas inaabangan ng mga Pinoy kaysa sa mga local awards night

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maagang gumising ang maraming Pinoy celebrities kahapon para sa live telecast ng 87th Academy Awards o Oscars.

Big event din para sa Pinoy ang Oscars katulad ng napakaraming tao sa buong mundo.

Mas inaabangan pa ang Oscars kesa sa mga awards night sa Pilipinas.

Ruffa ayaw paawat, naki-bonding sa mga anak at kaibigan kahit may sakit

Kahapon ay katsikahan ko si Ruffa Gutierrez at okay na raw siya pagkatapos magkasakit at magsuka ng limang beses after na mag-bonding kasama ng mga anak na sina Lorin at Venice noong Sa­turday.

Noong Sunday, panay pa ang reklamo sa akin ni Ruffa na ang sama-sama ng pakiramdam niya at nagsusuka nga raw siya. Noong Sunday rin ay masama ang kanyang pakiramdam nang mag-karting uli ang mag-iina kasama naman sina Cristalle Belo at Frank Briones (corporate PR/event person).

Kaya nang makausap ko siya uli ay sinita ko dahil kasusulat ko pa lang na nagkasakit siya, pero nag-karting uli.

“Hello! Okay na ako, kaya nag-karting uli kami,” sey ni Ruffa na parang ang bilis gumaling, huh!

Kahapon, kaliwa’t kanan na naman ang ginagawa ni Ruffa at iba’t iba ang topic ng usapan namin. Isa na roon ang Love Collection pro­ject nila ng mga anak na sina Lorin at Venice at ng kaibigang fashion designer na si Rajo Laurel.

Mas malaki na raw kasi ang Love Collection 2015 launch na magaganap ngayong March.

May iba pang mga proyekto si Ruffa na ayaw muna niyang i-announce dahil dapat daw ay isa-isa lang kasama na ang nalalapit nilang pagpunta sa isang Asian country ng mga kapatid na sina Richard at Raymond Gutie­rrez para sa isang event na may kinalaman sa third season ng kanilang reality TV series na It Takes Gutz to be a Gutierrez na mapapanood pa rin sa E! Asia.

Shaina at Maja isanama sa mga nanay

Ang Ultimate Clashdance sa Sunday nina Shai­na Magdayao, Maja Salvador, Sunshine Cruz, Ina Raymundo, Vina Morales, at Regine To­lentino sa second part ng 20th anniversray ng ASAP.

Piliin kung alin ang naiba sa nasabing production number?

Halos magkakaedad sina Sunshine, Ina, Vina at Regine at malayo ang edad sa kanila nina Shaina at Maja na parang hindi naman bagay isama sa nasabing grupo!

Posibleng gusto ng mga taga-ASAP na mag-shine sina Shaina at Maja kaya kahit mas bata sila sa apat, inilagay sila sa production number na ‘yon.

Posible rin kayang dahil parang kaedad na nina Shaina at Maja sa hitsura ang apat kaya sila join dito? In fairness, pare-pareho pa ring mukhang mga sariwa sina Sunshine, Ina, Vina, at Regine kahit mga nanay na sila!

Martin at Lea kumanta para sa charity

Ang charity concert para sa Brave (SAF) 44 ay ginanap kagabi sa The Theater ng Solaire Resort and Casino na tinawag na Jammin’ for Help: Brave.

Maagang nagdatingan ang mga singer na kasama roon para mag-rehearse.

Isa sa mga unang nakita na nandoroon ay sina Martin Nievera at Lea Salonga.

 

ACADEMY AWARDS

ANG ULTIMATE CLASHDANCE

LOVE COLLECTION

MAJA

NOONG SUNDAY

RUFFA

SHAINA

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with