Sobra-sobra na talaga ang datung Karla Estrada nagliliwaliw sa Europe
Pinagkaguluhan nang husto si Daniel Padilla sa kanyang personal appearance sa vent nang ini-endorse na Lily’s Peanut Butter sa Market Market last Sunday. Puno ng tao ang five storey mall at ang iba sa kanila’y, 10 a.m. nasa venue na kahit 4 p.m. ang dating ni Daniel (lumabas siya ng stage, malapit nang mag 6:00 p.m).
May meet and greet din siya sa iba niyang fans at ang nakakaloka, may nag-iiyakang fans sa sobrang tuwa na makita siya. Hindi sila binigo ni Daniel na nakipagkodakan at kinantahan pa ang fans.
Hindi nakasama ni Daniel sa event ang mommy niyang si Karla Estrada na kapwa niya endorser ng nasabing palaman. Nasa Europe raw ang ina at hindi nito kinailangang manghingi ng pera sa kanya’t may sarili itong pera dahil businesswoman. Hindi rin siya sumama dahil sa movie at pupunta rin siya sa Europe sa September para sa ASAP.
Showing na bukas ang Crazy Beautiful You movie nila ni Kathryn Bernardo at walang tina-target na gross si Daniel, importante na magustuhan ng fans nila ang bago nilang pelikula na dinirek ni Mae Cruz-Alviar.
Samantala, ang ibang fans na nina Daniel at Kathryn ang nag-sorry kay Vice Ganda dahil may ibang KathNiel fans ang nagalit kay Vice dahil maigsi raw ang exposure ng magka-love team sa Gandang Gabi Vice last Sunday. Nag-tweet si Vice na sa halip na magpasalamat ang fans, nagreklamo at nagalit pa.
Anyway, nominated si Daniel sa Favorite Asian Act ng Nickelodean Kid’s Choice Awards 2015.
Sunshine ginamit na ang mga anak sa social media
Binisita namin ang Instagram (IG) ni Sunshine Cruz at nabasa ang post ng mga anak na sina Angelina Isabel at Samantha Montano na ipinagtatanggol ang ina sa mga basher dahil sa kasong isinampa laban sa ama nilang si Cesar Montano.
Makatulong kaya sa kaso ni Cesar ang post ni Angelina Isabel na “My mommy is not a liar, she’s doing this for the truth” at ang post ni Samantha na “We’ll always be there for you.”
Ano kaya ang reaction ni Cesar sa posts ng dalawang anak na parang mas kampi kay Sunshine? Gusto rin malaman ng mga interesado sa isyu nina Cesar at Sunshine kung saan ngayon nakatira ang tatlo nilang anak after magsampa ng kaso si Sunshine sa dating asawa.
Louise Kapamilya na talaga nila Aljur
May ibig kayang sabihin na present si Louise delos Reyes sa debut ng sister nina Aljur at Vin Abrenica at wala si Kylie Padilla? Nabalita kasing nagkabalikan na sina Aljur at Kylie, pero bakit wala si Kylie sa debut ng kapatid ni Aljur at si Louise ang present?
Wala kaming nabasang birthday greetings ni Kylie sa sister ni Aljur na siguradong kilala niya dahil noong sila pa ni Aljur, nakakasama niya ito. Pero si Louise, may pictures pang pinost sa debut ni Leah at may birthday greetings.
Ibig sabihin ba nito hindi totoong nagkabalikan sina Aljur at Kylie? O baka hindi lang inimbita si Kylie, pero okay na sila ni Louise halimbawang nagkita man sila sa party. Nagpakuha pa nga sila ng picture na magkasama sa party ng Mega magazine kasama sina Janine Gutierrez at Julie Anne San Jose na gusto ng fans magkaroon ng isyu dahil kay Elmo Magalona.
Rafael at GF live in na?!
May pinost si Rafael Rosell sa kanyang Instagram (IG) na picture ng GF niyang si Olivia Medina na natutulog. Marami ang nag-like sa picture, pero may mga curious ding malaman kung live in ang dalawa kaya nakunan ni Rafael ng litrato ang nobya na natutulog?
May nag-iisip din na baka pinapasok lang si Rafael sa bedroom ng GF kaya nakunan niya ito ng picture. Ang hashtag ni Rafael na #TwoCanPlayThat Game at #payback, lumalabas na gumanti lang siya sa GF. Nakunan din siguro siya nito ng picture na natutulog.
Masaya ang love life ni Rafael, ibang-iba sa karakter niya sa Second Chances na naghahabol kay Jennylyn Mercado na ayaw sa kanya at si Raymart Santiago ang gusto.
- Latest