^

PSN Showbiz

Dahil kay Jericho, MJ Lastimosa gustong mag-artista!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi man nakapasok sa top 5 sa katatapos pa lamang na Miss Universe Pageant ay nagpapasa­lamat pa rin si MJ Lastimosa sa suportang ipinapakita sa kanya ng mga Pinoy.

Ngayon ay gusto na raw subukan ng beauty queen ang pag-aartista. “I think naman I can try hosting and acting and I’m very willing to learn, to undergo workshops na alam ko. I’m the kind of person that doesn’t just give up. So this new world na papasukin ko, I’m just excited kasi bago na naman ako rito. There is a lot to learn and gano’n tayong mga tao eh. Just keep on learning, ‘yon ‘yung nilu-look forward ko ngayon, may it be hosting, may it be acting or dancing or whatsoever. I’m just willing to try,” pagbabahagi ni MJ.

Gusto raw makasama ng dalaga sa isang proyekto si Jericho Rosales at aminadong may paghanga siya sa aktor. “Super crush ko. I mean nilu-look up to ko si Echo because he is such a great actor. Whenever he does a role talagang ginagawa niya with passion, talagang ini-embrace niya ‘yung role na ginagawa niya. So I think marami akong matututunan sa kanya ‘pag nakatrabaho ko siya,” pagtatapat ni MJ.

Niña Jose nagsawa na sa Amerika, gusto uli subukan ang suwerte sa ‘Pinas

Nagbabalik sa Kapamilya network si Niña Jose pagkatapos manirahan sa Amerika kasama ng kanyang pamilya. “I went to the States. I stayed in Chicago with my relatives there and I studied for a while and spent time with my family there, because I needed time for myself. I needed direction for my life and I also focused on our family business,” nakangiting pahayag ni Niña.Muling makikipagsapalaran sa bansa ang dalaga ngunit babalik daw sa Amerika kapag hindi siya pinalad dito. “Sana tuloy-tuloy na. We’ll see kasi if there’s work I’ll be here pero if there’s none I will be back there,” giit ni Niña.

Samantala, wala raw karelasyon ngayon ang dalaga pero nagnanais nang magkaroon ng sariling pamilya kapag nakilala na ang kanyang ‘Mr. Right’. “I have plans of settling down soon pero when I find the right person already. Hopefully he’s just there. If not, well, I have a lot of nieces and nephews. They’re like my babies na rin, so ‘yun,” pag-amin ng aktres.

Pansamantala ring nawala si Niña sa ABS-CBN noon dahil gumawa siya ng ilang proyekto sa ibang TV network. Masaya ngayon ang aktres dahil naging bahagi siya ng Lucky Stars sa Kapamilya Deal or No Deal sa loob ng isang buwan. “I’ve always been a Kapamilya no matter what and this is where I’ve started and never naman mawawala ‘yun,” pagtatapos ni Niña. Reports from JAMES C. CANTOS

 

AMERIKA

JERICHO ROSALES

KAPAMILYA

KAPAMILYA DEAL

LUCKY STARS

MISS UNIVERSE PAGEANT

MR. RIGHT

NO DEAL

SO I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with