Hindi na pala bago ang isyu: Female newscaster talakera raw talaga ‘pag lasing!
MANILA, Philippines - Sanay na pala ang mga kaibigan ng isang lady newscaster sa kaingayan nito tuwing nalalasing. Yup, ayon sa isang source, hindi na bago ang pag-iingay nito ‘pag nakakainom. Ang bago lang sa pandinig ko ay tumadora pala ito. Wala sa hitsura niya ha. Pero ang kainuman daw talaga nito ay mga kabilang sa elite circle, yup as in namimili lang siya ng sasamahan.
Karespe-respeto ang pino-project na image ni lady broadcaster.
Well, wala namang masamang tumoma. Tutal naman wala siyang pineperwisyong tao.
James and Nadine ‘dinaig’ daw sa wansa sina Julia at Iñigo
Busy as a bee ang isa sa pinakasikat na loveteam sa kasalukuyan na sina James Reid and Nadine Lustre.
Sa buong February and March pa lang pala, occupied na sila sa JaDine Fever Tour 2015 kasabay ng Reid Alert album promo.
Kaya naman todo ang pasasalamat ng magka-loveteam sa ipinakikitang pagmamahal sa kanila ng fans na lalong nadaragdagan pa.
Latest na maituturing na achievement nila ay ang nominasyon nila sa MYX Music Awards para sa kanilang album.
Yes, kasama sila sa mga nominado kahanay ang mga bigating OPM singer na sina popstar royalty Sarah Geronimo, Awit-award winning rapper Gloc-9, at rock chick Yeng Constantino.
Hindi inaasahan ng magka-loveteam na magkakaroon sila ng nomination sa MYX.
Katatapos lang din magbida ng magka-loveteam sa Maalaala Mo Kaya. Umere ang episode noong Valentine’s Day. Nag-no. 1 sa rating ang naturang episode at nag-trending din.
Bongga rin ang naging rating nang lumabas sila sa Wansapanataym ng magka-loveteam at ayon sa isang source, dinaig daw ng Wansa ng magka-loveteam ang Wansa nina Julia Barretto at Iñigo Pascual.
Sa kasalukuyan ay naghahanda na sila para sa kauna-unahan nilang teleseryeng On the Wings of Love na eere na sa ABS-CBN very soon.
Nagsimula ang kasikatan nila sa pelikulang Ang Diary ng Panget.
- Latest