Bernardo Bernardo hindi nangapa sa indie kahit 12 years sa Amerika
Naging matagumpay ang pagdaraos ng Sinag Maynila Film Festival na ang founder ay ang Solar Pictures producer na si Wilson Tieng at ka-tandem ng Cannes 2009 Best Director na si Brilliante Mendoza.
Layunin ng festival na maipamalas ang pagiging creative ng mga Filipino indie filmmakers at maipakita sa kanilang obra ang yaman ng ating kultura.
Ang Sinag Maynila ay idaraos sa March 18-24 at ipalalabas sa selected SM Cinemas. Ang limang entries na napili ay Bambanti ni Zig Dulay, Imbisibol ni Lawrence Fajardo, Jim Libiran para sa Ninja Party, Balut Country ni Paul Sta. Ana at Swap ni Remton Zuasola.
Hindi namin agad nakilala si Bernardo Bernardo dahil kalbo na ito at 12 taon pala nawala sa Pilipinas. Hindi naman siya nangapa sa pagbabalik pelikula dahil kahit nasa Amerika ito ay nagso-show pa rin sa iba’t ibang panig ng US.
Kasama si Bernardo sa isang indie movie tungkol sa mga OFW.
Turkish may pa-cultural show
Ngayon pa lang ay inaabangan na ang 8th International Festival of Language and Culture show na isang malaking event at itinataguyod ng Cultural Center ng Turkey. Iniaalay ito sa mga estudyante para ma-educate ang mga kabataan.
Ang International Festival of Language and Culture ay isang annual celebration at ipamamalas dito ang pagkakaiba-iba ng linguistic talents ng mga estudyante mula sa iba’t ibang bansa.
Idaraos ang 8th International Language & Culture Festival sponsored by Turkish International Culture Center sa March 3, 2015 sa Resorts World Hotel.
- Latest