Pinabongga ang sagot Mr. International Neil Perez ipinanalo ng interpreter?!
PIK: Mamayang hapon sa Sunday All Stars ay ilu-launch na ang first single music video ni Julian Trono na Wiki Me.
Mala-K Pop ang dating ni Julian na bagay na bagay sa kanya. Pero dito raw muna si Julian mag-concentrate ng pagka-K Pop niya.
Tampok din mamaya sa SAS sina Regine Velasquez at ang Pari ‘Koy na si Dingdong Dantes.
PAK: Hindi maayos ang sagot ng Mr. International na si Neil Perez tungkol sa pag-interpret ng kanyang interpreter sa sagot nito sa Question and Answer portion sa Mr. International.
Mas binonggahan ng interpreter ang sagot niya sa Tagalog, na maaring isa sa nagpanalo sa kanya.
Ang sabi lang niya, ang interpreter na iyon daw ang nag-a-update dito sa atin ng mga nagaganap sa Mr. International, kaya baka sobrang napagod lang daw at na-pressure nang husto sa Q and A.
Wala raw balak si Neil na pasukin ang pag-aartista dahil gusto pa rin niyang ipagpatuloy ang pagiging pulis.
Pero kung kukunin daw siyang isa sa mga artista sa pelikula tungkol sa Fallen 44, tatanggapin daw niya dahil mas alam daw niya iyon at pagbibigay pugay na rin sa police commandos na nasawi sa nakaraang enkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao. Ang ilan pa raw sa mga nasawi doon ay batchmates niya.
BOOM: Sa susunod na linggo ay pag-uusapan sa Sangguniang Panlalawigan ng Albay kung posibleng ideklarang persona non grata si Xian Lim.
Ang Vice Governor na si Harold Imperial daw ang isa sa nag-suggest na pag-aralan ang posibleng pagpataw ng persona non grata sa Kapamilya actor.
Kulang lang daw sa oras, kaya itutuloy nila ang pag-uusap at pag-imbestiga sa insidenteng iyun.
Naging hahstag tuloy ang #iamheretopromotealbay sa social media account ni Gov. Joey Salceda at sa iba pang mga taga-Albay, bilang suporta nila sa reklamo nila laban kay Xian.
- Latest