^

PSN Showbiz

Solenn at Iya, international ang taste!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, samahan ang Taste Buddies na sina Solenn Heussaff at Iya Villania-Arellano na tikman ang iba’t ibang international dishes sa Fisher Mall. Makakasama nila ang Kapuso leading man at bad boy ng dance floor na si Mark Herras.

Magsisimula ang kanilang katakam-takam na food trip sa Riger Hotz kung saan titikman nila ang Korean Bulgogi at iba pang fast food items. Anghang-sarap naman ang naghihintay sa kanila sa Indian-inspired dishes ng Ganeza Curry. Susubukan din nila ang exotic Asian flavors na ihahanda mismo ng isang seasoned Malaysian chef sa Truly Asia. Para naman sa dessert, di nila palalampasin ang unique flavored ice ng Cold Layers.

Bukod dito, magshe-share rin si Solenn ng fashion tips kung paano ang pagmi-mix and match ng prints ng mga lalake at si Mark pa ang magiging model niya. Si Iya naman, pabobonggahin ang isang plain aquarium gamit ang ilang clever painting tricks.

Huwag magpahuli sa isa na namang Saturdate ngayong February 21 saTaste Buddies, 8:45PM sa GMA News TV.

COLD LAYERS

FISHER MALL

GANEZA CURRY

IYA VILLANIA-ARELLANO

KOREAN BULGOGI

MARK HERRAS

NGAYONG SABADO

RIGER HOTZ

SI IYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with