^

PSN Showbiz

Sarah, Daniel, Gloc-9, at James nakakuha ng pinakamaraming nominasyon sa MYX Music Awards 2015

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sina Sarah Geronimo, Daniel Padilla, Gloc-9, at James Reid sa Myx Music Awards 2015 ang nakatanggap ng pinakamaraming nominasyon sa iba’t ibang kategorya sa ginanap na nomination night ng music channel.

Kasama rin sa mga nominado sa Myx Music Awards ang mga baguhan sa industriya tulad ng The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod at runner-up na si Darren Espanto, teen queen Kathryn Bernardo, actress singer Maja Salvador, pati ang pinag-uusapang Kapamilya love team nina James Reid at Nadine Lustre. Ilan sa mga artist na napabilang sa listahan ang mga bigating pangalan sa OPM tulad nina popstar royalty Sarah Geronimo, Awit-award winning rapper Gloc-9, at rock chick Yeng Constantino.

Sa ika-sampung taon nito, magiging bohemian ang tema ng Myx Music Awards na may 17 awards na ipamimigay. Aabot sa 15 sa mga ito ay exclusive sa mga local artist at dalawang awards naman ay para sa international artists.

Samantala, hindi naman sumagot ang Myx channel head na si Andre Alvarez nang tanungin ng Myx VJs kung sino ang makakatanggap ng presithiyosong Myx Magna Award. Imbes na magbigay ng clues, hinikayat ni Alvarez ang mga kaibagan, kapamilya, at taga-suporta ng nominees na bumoto kaysa sa gumawa ng maraming social media accounts para mas makilala pa ang mga artist at ang kanilang mga kanta.

Makakaboto ang mga music fans at kabataan sa pamamagitan ng Facebook, Twitter, Instagram, at sa myxph.com hanggang Marso 22. Para sa detalye ng pagboto, pumunta lamang sa myxph.com. Sixty percent sa boto ay manggagaling sa fan votes at ang 40 percent naman ay galing sa artist poll.

Magaganap ang Myx Music Awards sa Samsung Hall ng SM Aura Premiere sa Marso 25.

ANDRE ALVAREZ

AURA PREMIERE

DANIEL PADILLA

DARREN ESPANTO

GLOC

JAMES REID

MYX MUSIC AWARDS

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with