^

PSN Showbiz

Kathniel fans nagwawala: Jasmine at Sam split na, Daniel tuloy ang panliligaw sa utol ni Anne?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naloloka siguro si Jasmine Curtis-Smith dahil kahit sinasabi na kung kanino galing ang bouquet of flowers na pino-post niya sa Instagram (IG), may mga naniniwalang galing kay Daniel Padilla ang mga bulaklak. Kaya ayun, naba-bash si Jasmine ng fans nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Pati ang quotations na kanyang pino-post, binibigyan ng ibang meaning ng fans, para raw sa kanila ni Daniel ‘yun. Kahit matagal ng tapos ang isyu sa dalawa at nagsalita na si Daniel, ayaw pa ring maniwala ang ilang KathNiel fans na walang relasyon sina Daniel at Jasmine.

Inaakusahan pa si Jasmine na nakikisakay sa popularity ni Daniel at sinisira ang promo ng Crazy Beautiful You movie nina Daniel at Kathryn na showing sa February 25.

Ang harsh pa ng ilang bashers, kung anu-anong kanegahan ang tawag kay Jasmine na nanatiling tahimik. Nakadagdag sa muling pag-ingay ng isyu kina Jasmine at Daniel ang balitang break na sina Jasmine at Sam Concepcion.

Samantala, napapanood si Jasmine sa Move It! Clash of the Streetdancers ng TV5, sila ni Tom Taus ang host ng kakaibang dance show, airing 7:00 p.m., every Sunday. Bukas, Studio 54 ang concept ng streetdancers, kaya tutukan.

Magdyowang aktres at aktor consistent sa pananahimik sa kanilang hiwalayan!

Sa thank you note ng isang bride sa isa sa kanyang mga artistang abay, may kasamang note na sana ang kaibigan na ang sumunod sa kanya na ikasal. Natawa at nag-I love you ang reaction ng actress friend ng bride dahil alam nito na alam ng bride na malabo na matupad sa ngayon ang wish nito.

Break na kasi ang aktres at ang aktor na nakarelasyon nito at dahil tahimik nilang tinapos ang kanilang relasyon, walang intriga sa kanila at walang reporters na nagtatanong ng usual question kung bakit sila nag-break.

Saka, kahit naman tanungin ang ex-couple kung bakit sila naghiwalay, hindi sila sasagot. The same way na hindi nila sinagot ang tanong kung kailan sila nagsimulang magkarelasyon. Pinanghihinayangan ang paghihiwalay ng aktres at aktor dahil bagay sila at pareho pang magaling umarte.

Julian koreana ang bagong inspirasyon?!

Bago pa ang launching ng Wiki Me single ni Julian Trono bukas sa Sunday All Stars, naunang napanood ang official music video ng single sa MYX kagabi. Positive ang reaction ng mga nakapanood ng video, pero sana, i-download nila ang song dahil available na ito sa iTunes at sa ibang digital outlets.

Ni-release na rin ng GMA Records worldwide ang Wiki Me last February 14. Sobrang nakaka-relate ang mga bagets sa lyrics ng song na tungkol sa social media.

Sa kanyang Instagram (IG), nag-post si Julian ng picture sa guesting niya sa Show Champion ng MBC Channel ng Korea. Makikita ang importan­syang ibinigay kay Julian ng show dahil kasama sa backdrop ang kanyang pangalan. Back-up dancers ni Julian ang ilang Korean dancers.

Very proud kay Julian ang kapwa Kapuso talents at kanyang fans na tinutukso siyang K-pop artist na ang da­ting. Sa music video ni Julian may kasama siyang pretty teener at interesado ang fans na malaman kung sino ang girl. Puwede raw siyang maging inspirasyon ni Julian kapalit ng naudlot nilang relasyon ni Bianca Umali.

May mga fans din na nagtatanong kung babalik pa si Julian sa Once Upon a Kiss nina Bianca at Miguel Tanfelix. Exciting at masaya raw kung gawin silang love triangle dahil may ingay na sa kanila.

Jolina impersonator na rin!

Hindi na lang pala sa Flordeliza mapapanood si Jolina Magdangal dahil may balitang, isa siya sa celebrity contestant ng reality show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar. Kung sa soap umaarte si Jolina, sa reality show, husay sa impersonation ang ipamamalas niya.

Inaabangan na kung sinong iconic singer ang ii-impersonate ni Jolina every week sa Your Face Sounds Familiar. Tanong ng kanyang fans, kasama kaya si Cyndi Lauper sa gagayahin ni Jolina?

Walo ang celebrity contestants ng Your Face Sounds Familiar at sina Jolina Magdangal at Edgar Allan Guzman pa lang ang alam naming kasali.

vuukle comment

DAHIL

DANIEL

JASMINE

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

JULIAN

KUNG

WIKI ME

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with