Mga bisita sa Manila reception nina Sen. Chiz at Heart nahiyang mag-take out
PIK: Si Kris Bernal ang isa sa mga special guests ni Regine Velasquez sa Sarap Diva ngayong umaga.
Kasama ni Kris si Maricris Garcia kung saan isa sa pag-uusapan ay ang diet food na dini-deliver sa mga bahay bahay ng mga artista. Isa ‘yun sa nagpapayat kay Kris. Kaya proud siya sa kanyang kapayatan.
Nag-post si Kris sa kanyang Instagram account na ipinagtatanggol ang sarili kung bakit masaya siya sa ganun kapayat.
Sabi niya: “This is me. Accept it. No one’s perfect okay! What’s important is I’m strong, healthy and my body works great for me.”
PAK: Ilan sa mga kaibigan namin at katrabaho na dumalo sa reception ng kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista ay namumroblema kung paano sila mag-uuwi ng mga natitirang pagkain.
Iyon pala, napagdesisyunan nang ipamigay sa orphanage ang mga pagkaing natira.
May ilang kakilala rin naming nag-iisip na mag-uwi ng kahit isang lechon baka, pero nahihiya lang silang bitbitin palabas ng Blue Leaf.
BOOM: Mapapanood na rin sa Startalk mamayang hapon ang pahayag ng ina ng dating singer na si Roniel Wolfe, ang Queen of Jazz na si Annie Brazil.
Magsasalita siya kung bakit hindi nila nadadalaw si Roniel sa kulungan.
Ang sabi kasi ni Roniel, kaya raw hindi siya dinadalaw dahil failure ito sa kanilang pamilya.
Itinatanggi ito ni Annie, dahil hindi raw failure ang turing nila sa kanyang anak.
Napanood daw niya ang interbyung iyun sa Startalk at kinausap daw niya ang asawa ni Roniel.
Aniya: “My tear was falling. Sabi ko but then I told the wife I’m sorry I don’t think I’ll be able to visit him this time kasi ayoko ng….may sakit nga ako dito sa heart. So I wanna live longer para sa mga apo.”
Ang hangad lang talaga ni Annie, na tuluyan nang magbago si Roniel, dahil hindi pa rin sila kumbinsidong nagbago na talaga ito.
- Latest