^

PSN Showbiz

Kristoffer Martin at Joyce Ching, patutunayan na first love never dies

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa Sabado (February 21) sa Magpakailanman, sina Kristoffer Martin at Joyce Ching magsasama muli para sa isang espesyal na pagtatanghal ng programa para sa buwan ng pag-ibig.

Award-winning young actor Kristoffer Martin gives life to the story of Pedro Arnado, isang lalaki na nagmahal at nabigo nang iwan siya ng babaeng kinilala niya bilang kanyang one true love. Subalit, dahil sa pangarap ng babae na umangat sa buhay, luluwas ito papuntang ibang bansa para kumita ng mas malaking pera.

Maghihiwalay ang dalawa with the promise na hindi nila kakalimutan ang isa’t isa. Ngunit malulungkot si Pedro nang ang lahat ng kanyang pinadadalang sulat, ay hindi sinasagot ng babae.

Pinilit ni Pedro mag-move on na sa buhay niya, at nakahanap siya ng bagong taong mamahalin. Saka niya nalaman na ang babaeng hinintay niya ay nakabalik na pala...at may naging anak sila.

Ngunit sa pagkakataong ito, may kani-kanila na silang pamilya.

Ano ang gagawin nila kung ang pagmamahalang inakala nilang kinalimutan na ay muling mabuhay? Tatalikuran ba nila ang mga pamilyang binuo nila para muling makasama ang kanilang kinilalang true love?

Kasama rin sa episode na pinamagatang Walang Hanggang Paalam sina Mickey Ferriols, Cris Villanueva, Coleen Perez, Toby Alejar, Irene Celebre, Jan Marini Alano, JM Reyes, Nomer Limatog, Jr. , Dex Quindoza, at Marlon Mance.

Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, sundan ang kanilang love story, at kung sino ang pipiliin ni Pedro na makasama for the rest of his life,  ngayong Sabado (February 21), sa Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.

ANG TUNAY

COLEEN PEREZ

CRIS VILLANUEVA

DEX QUINDOZA

IRENE CELEBRE

JAN MARINI ALANO

JOYCE CHING

KRISTOFFER MARTIN

MAGPAKAILANMAN

MARLON MANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with