Kay Daniel pa lang bawi na Karla nagbunga ang mga paghihirap at sakripisyo para sa apat na anak na iba-iba ang tatay
Hindi naging madali sa singer-actress na si Karla Estrada ang magkaroon ng apat na anak na iba’t iba ang ama at tumayong single parent sa mga ito hanggang sa kanilang paglaki.
Si Daniel Padilla (Daniel John Ford) ay anak ni Karla sa aktor na si Rommel Padilla, ang nakatatandang kapatid ni Robin Padilla. Si Jose Carlito (JC) naman ay anak niya sa second cousin ni Rommel na si Naldy Padilla, ang lead singer ng rock band na Orient Pearl. Ang pangatlong anak ni Karla na si Margaret (Magui) ay anak naman niya sa dating pulitikong si Mike Planas at ang non-showbiz naman na si Patrick ang ama ng bunso niyang si (Carmella) Lelay.
Since hindi naman gaanong stable ang kinikita noon ni Karla bilang singer-actress, hindi naging madali para sa kanya ang buhayin at palakihin ang kanyang apat na anak. Pero bilang isang ina at magulang ay ginawa niya ang lahat ng makakaya para hindi mapariwara ang kanyang mga anak. Ang isang ipinagmamalaking bagay ni Karla ay napalaki niya ang mga ito na matitino, mababait at may takot sa Diyos.
Lahat ng paghihirap ni Karla ay unti-unting napalitan ng biyaya nang sumikat ang kanyang panganay na anak. Si DJ ay dinala noon sa ABS-CBN ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano and the rest ay history nang maituturing.
Kahit matagal nang namayapa ang veteran talent manager na si Douglas ay hinding-hindi siya makakalimutan ng mag-inang Karla at Daniel dahil malaki ang naging bahagi nito sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng tinaguriang Teen King ng local showbiz.
Lubos din ang pasasalamat ni Daniel sa ABS-CBN, sa kanyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo at sa kanilang mga fans na kung hindi dahil sa mga ito ay wala sila sa kanilang tinatatayuan ngayon.
Karera ni Alonzo siguradong mas aangat dahil sa Viva
Alam mo, Salve A., marami ang nagtataka kung bakit daw ako pumayag na i-co-manage ng Viva Artists Agency ang bagong child star na si Alonzo Muhlach considering na mag-isa namin itong sinimulan hanggang unti-unting magkapangalan at magkaroon ng sunud-sunod na projects.
Alam ng marami kung gaano kalaki ang Viva Group of Companies na personal na pinamumunuan ng showbiz business icon na si Boss Vic del Rosario at ng kanyang mga anak na sina Vincent at Veronique.
Magaganda ang inilatag na plano ni Boss Vic para sa alaga kong si Alonzo at makakatulong din nang husto sa pagiging aktibong muli ng ama ni Alonzo, ang dating Child Wonder na si Niño Muhlach hindi lamang sa pagpu-produce ng pelikula kundi lalo na sa matagal na niyang ambisyon, ang maging mainstream director.
Ngayong dalawa na kami ng Viva na mangangalaga sa career ng batang si Alonzo, looking forward ako sa lalong pag-alagwa ng karera ng bunso ni Niño at matupad ang pangarap ni Boss Vic na si Alonzo ang tanghaling the Next Wonder Boy ng local showbiz.
Si Alonzo ay Kapamilya na ring maituturing dahil may tatlong programa ito sa nasabing TV network, ang long-running gag show na Goin’ Bulilit, ang malapit nang magsimulang TV series na Inday Bote at panibagong serye ng Wansapanataym. Meron din siyang bagong product endorsement na malapit nang i-launch. Inihahanda na rin ng Viva Films ang magiging launching movie ni Alonzo.
Ganunpaman, gusto kong pasalamatan sina Boss Orly Ilacad ng OctoArts Films at si Vic Sotto ng M-Zet Films sa pagbibigay ng break kay Alonzo sa MMFF (Metro Manila Film Festival) movie na My Big Bossing, kay Malou Choa-Fagar ng TAPE, Inc. sa pagbibigay din ng chance kay Alonzo na maging bahagi ng The Ryzza Mae Show sa loob ng halos isang buwan. Lahat sila ay naging instrumento sa mabilis na pagsikat ng child superstar-in-the-making na si Alonzo.
- Latest