Walang sustento na ibinibigay, Nikki mag-isang binubuhay ang anak nila ng nagtaksil na mister
July 7, 2007, 7:00 p.m. sa St. John Bosco Parish in Makati City ikinasal si Nikki Valdez sa kanyang Canada-based Filipino husband na si Christopher Lina kung kanino siya may isang anak (almost seven years old na ngayon) na si Olivia (Olive Isabel). Pero kahit gaano kaganda ang numbers at petsa ng kanilang kasal ay nauwi rin ito sa hiwalayan after two years ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. In 2009, Nikki got a divorce from her husband at na-grant ito in 2011 kasabay ng desisyon ng singer-actress na bumalik ng Pilipinas kasama ang kanyang anak upang ipagpatuloy ang kanyang pansamantalang naputol na showbiz career.
Hindi ikinaila sa amin ni Nikki na may third party sa pagitan nila ng kanyang ex-husband na siyang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Sobrang nasaktan si Nikki dahil ang buong akala niya ay magiging tapat sa kanya ang kanyang (dating) asawa.
Bago niya naging mister ni Chris ay naging kasintahan noon ni Nikki si Troy Montero na mister ngayon ng dating sexy actress na si Aubrey Miles.
Dalawang beses ikinasal si Nikki, church wedding sa Pilipinas at ikinasal din sila sa Toronto, Canada.
Magmula nang magkahiwalay sila ni Chris, wala umanong financial support ang kanyang dating mister sa kaisa-isa nilang anak.
Thankful si Nikki sa Star Magic dahil hindi siya nawawalan ng trabaho. Isa si Nikki sa cast ng malapit nang magsimulang mapanood sa ere na Inday Bote.
Rachelle Ann hindi pa sigurado kung itutuloy ang paghataw sa Miss Saigon
Hindi nagkamali si Rachelle Ann Go sa kanyang napiling career sa London nang tanggapin niya ang supporting role na Gigi van Tranh sa restaging ng Miss Saigon sa West End na unang pinagbidahan ni Lea Salonga more than 25 years ago.
Last November, si Rachelle ay nanalong Best Featured Actress in a Musical sa 2014 Broadway World/UK West End Awards at kamakailan lamang ay muli siyang nakatanggap ng parangal bilang Best Supporting Actress in a Musical mula sa What’s On Stage Awards 2015 dahil sa kanyang mahusay na pagganap.
Dahil sa sunud-sunod na parangal na natanggap ni Rachelle Ann, hindi pa nito alam kung siya’y magre-renew ng kanyang kontrata with Miss Saigon after May this year o susubok naman siya sa ibang proyekto.
Mga kilalang teen actors noon nakakulong pa rin dahil sa droga
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin na nakakulong ang dalawang kilalang teen actors noon na sina Dennis da Silva at Ronnel Wolfe at parehong droga ang itinuturong dahilan ng kanilang pagkakakulong.
Si Dennis ay isa sa mga Regal babies noon na na-link kay Ruffa Gutierrez habang si Ronnel naman ay nakababatang kapatid nina Richard Merk at Rachelle Anne Wolfe at anak ng tinaguriang Jazz Queen na si Annie Brazil.
Alonzo kabi-kabila na ang trabaho
Ipinahayag kahapon (February 17) ng top honcho ng Viva na si Boss Vic del Rosario, Jr. na co-managed na nila at ng inyong lingkod ang pamamahala ng career ng bagong child superstar-in-the-making na si Alonzo Muhlach, who is turning five years old tomorrow, February 19.
Maraming magagandang plano ang Viva para sa bunso ng dating Child Wonder na si Niño Muhlach at kasama na rito ang paggawa ng mga pelikula na pinasikat noon ng kanyang ama.
Last Saturday ay isang malaking product endorsement ni Alonzo ang nasara at simula pa lamang ito sa marami pang ibang produkto na iiendorso ng child star. Bukod sa pagiging bahagi ng long-running kiddie gag show na Goin’ Bulilit, malapit na rin mapanood si Alonzo sa bagong serye ni Alex Gonzaga sa Dos, ang TV remake ng pelikulang Inday Bote na magsisimula sa ere on March 16. Makakasama rin ni Alonzo sina Coco Martin at Julia Montes sa bagong serye ng Wansapanatym.
Ang maganda kay Alonzo, sobra siyang nag-i-enjoy sa kanyang ginagawa.
- Latest