Jed Madela babaeng-babae ang boses, mas matinis pa kay Regine
SCENE: Binawi ni Piolo Pascual ang kanyang sinabi noon na hindi matutuloy ang movie project na pagsasamahan nila ni Sarah Geronimo dahil matutupad ito ngayong 2015.
SEEN: Ngayon ang 52nd birthday ni Senator Jinggoy Estrada at first time niya na magdiriwang ng kaarawan sa loob ng PNP Custodial Center ng Camp Crame.
SCENE: Ang talent sa pagsayaw ang ipinakita ni Winwyn Marquez sa Talent Competition ng Bb. Pilipinas 2015 na ginanap noong Sabado sa Farmers Plaza.
SCENE: Nag-enjoy nang husto sina apl.de.ap at Nicole Scherzinger sa Intramuros tour nila noong Linggo.
SEEN: Blind item ang TV plug ng Startalk sa exclusive interview kay Dennis Da Silva na mapapanood sa darating na Sabado pero ipino-promote ito ng dating aktor sa kanyang Facebook account. Matagal nang nakakulong sa Pasig City Jail si Dennis pero may Facebook account ito.
SCENE: Ikinatuwa ng televiewers ang indefinite suspension ng Kamara sa hearing ng Mamasapano massacre dahil hindi nila mapapanood sa TV ang mala-palengke na balitaktakan ng mga kongresista.
SEEN: Babaeng-babae ang boses ni Jed Madela sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice noong Linggo. Mas matinis pa ang boses ni Jed sa impersonation niya sa pagbirit ni Regine Velasquez sa pagkanta.
- Latest