^

PSN Showbiz

Fans nina Kathryn at Liza nag-aaway kung sino dapat ang tawaging Teen Queen

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pinagtatalunan ng fans nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano kung kanino sa dalawa nababagay ang title na Teen Queen ng ABS-CBN. Nakaaaliw basahin ang argument ng bawat grupo at pareho silang may punto.

Kaya lang, sa ngayon, hawak ni Kath ang title na ito dahil subok na ang lakas niya sa TV at pelikula man. Muling makikita ang lakas ni Kathryn sa Feb­ruary 25 showing ng Crazy Beautiful You nila ni Da­niel Padilla at ang airing ng remake ng Pangako Sa’Yo na pagtatambalan pa rin nila ni Daniel.

Si Liza, wala pang peli­kulang bida siya, hindi nga lang maipagkakailang umangat ng mataas na puntos ang career niya dahil sa Forevermore. Tama ang isang fan ni Kath na Liza can be the next Teen Queen.

Anyway, tila wala namang keber si Daniel na si Kathryn ang tinutukoy sa title ng Crazy Beautiful You. Basta ang alam niya, maganda ang pelikula nila sa direction ni Mae Cruz-Alviar at magugustuhan ng KathNiel fans at fans ng ibang cast.

Sophie nailang sa halik ni Ahron

Ang tambalan nina Ahron Villena at Sophie Albert ang tampok sa Cupid’s Fools, ang first episode sa second batch ng Season 2 ng Watt­pad Presents. This Monday hanggang Friday, February 20, 9 p.m., ang airing ng nakatutuwa at aliw na episode.

Inamin nina Ahron at Sophie na nagkailangan sila sa first day ng taping dahil may kissing scene agad sila. Eh hindi sila masyadong magkakilala. Napansin nga na medyo itinulak ni Sophie ang dibdib ni Ahron nang lumapit ito sa kanya. But the next day, okay na sila at mas maayos na ang taping.

Kasama sa cast ng sitcom na No Harm, No Foul si Sophie tampok si Ogie Alcasid at ilang PBA players. Late August pa yata ang taping nito, kaya mag-aaral muna ng hair and make-up si Sophie sa London for three weeks. Mag-i-enroll siya sa Academy of Freelance Make-up dahil gustong ma­ging make-up artist.

Pinayagan na siya ng TV5 at ng BF niyang si Vin Abrenica na mag-aral muna sa London. Sandali lang naman daw siya at baka makasama niya ang mom niya doon.         

Raymart nagkakasya na lang sa social media na batiin ang mga anak

Sa Instagram (IG) uli idinaan ni Raymart Santiago ang Valentine’s Day greetings sa mga anak na sina Sabina at Santino. Sa picture niyang pinost, may hawak siyang polvoron yata ‘yun na hugis puso at ang caption ay “Happy Valentines Sabina and Santino I LOVE YOU both.”

Ano ba ‘yan, pati sa story ng Second Chances, malapit na ring mawala sa kanya ang anak na si Billy dahil gusto ni Lyra (Jennylyn Mercado) na ibalik ang bata kay Rebec­ca (Camille Prats). Hindi na kinailangang umarte ni Raymart sa eksena, kung ganu’n. Relate na relate ito.

 

ACADEMY OF FREELANCE MAKE

AHRON

AHRON VILLENA

CAMILLE PRATS

CRAZY BEAUTIFUL YOU

HAPPY VALENTINES SABINA AND SANTINO I

JENNYLYN MERCADO

SOPHIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with