Kahit nanood ang boyfriend Zsa Zsa hindi napigilang maiyak nang kantahin ang theme song nila ni Dolphy
PIK: Punung-puno ang Music Museum nung kamakalawa ng gabi na sumuporta sa pagbabalik ni Zsa Zsa Padilla sa pag-concert, ang Zsa Zsa Beginnings.
Sabi nga ni Zsa Zsa, tingin daw niya, handang-handa na siyang mag-concert na hindi na siya iyak nang iyak.
Pero hindi pa rin napigilan ng Divine Diva na maiyak sa pagtatapos ng concert kung saan kinanta niya ang Hiram na theme song nila ni Mang Dolphy.
Nandun din ang current boyfriend ni Zsa Zsa na si Conrad Onglao na nag-abot ng bouquet of flowers sa kanya.
Special guests ni Zsa Zsa sina Piolo Pascual at Ogie Alcasid.
PAK: As of presstime, naghahanda na ang lahat sa pag-iisang dibdib nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa Balesin Island.
Wala nga ang magulang niya para ihatid siya sa altar. Nandun naman ang mga kapatid at malalapit niyang kaibigan.
Sa mga best friends ni Heart na sina Alessandra de Rossi, Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Carla Abellana, tanging si Carla lang ang dumating na kasama si Tom Rodriguez.
Hindi kasi nila isinama ang mga boyfriend nila dahil para lang daw sa mga entourage iyon. Pero si Carla, kasama niya si Tom na dumating kahapon. Sa reception sa Maynila sa February 18 na sila imbitado, pati ang iba pang kaibigan at katrabaho nina Sen. Chiz at Heart.
Hindi nga rin dumating si P-Noy.
Hindi rin namataan doon si Ms. Susan Roces na isa sa mga ninang, pero nandun si Sen. Grace Poe.
Nasubaybayan sa social media ang mga naganap sa Chiz-Heart wedding.
BOOM: Malamang na isa sa mga araw na ito ay magbibigay ng announcement ang celebrity couple tungkol sa binabalak nilang kasal.
Hindi pa lang napagdesisyunan nila kung civil o church wedding ang uunahin.
Isa kasi sa pinag-iisipan nila ay baka gagawin ang kasal sa ibang bansa, at magkakaroon ng ceremony dito sa atin.
Pursigido na raw si male celebrity na pakasalan ang celebrity girlfriend niya kaya may mga kinakausap na raw ito na mga taong makakatulong sa kanilang binabalak.
Mukhang ready na rin naman si girl, kaya anytime soon ia-announce nila ito sa publiko. Abangan na lang!
- Latest