^

PSN Showbiz

Direk Brillante Mendoza nagtatag ng Sinag Maynila

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Ang tambalan nina 2009 Cannes best director na si Brilliante Mendoza at Wilson Tieng ng Solar Pictures ay magbubukas ng daan para sa panibagong film festival na ang layunin ay i-highlight ang pagiging malikhain ng Filipino indie filmmakers at ang mayamang kultura na ipamamalas sa taunang pagdiriwang.

Ngayong Marso 18-25, 2015 sa Sinag Maynila ay ipagdiriwang ang world class indie film festival sa selected cinemas sa Kamaynilaan.

Ang unang six entries ay ginawa ng award-winning Filipino indie movie makers. Kabilang dito ang Death by Gokkun ni Joselito Altarejos, Bambanti ni Zig Dulay, Imbisibol ni Lawrence Fajardo, Ninja Party ni Jim Libiran, Balut Country ni Paul Sta. Ana at Swap ni Remton Zuasola.

Tampok sa Balut Country si Rocco Nacino na istorya ng tagapagmana ng itikan na nahaharap sa isang crisis. Nag-prodyus na ng quality films ang director na si Paul gaya ng Huling Pasada, Marino at Oros. Sa Swap naman ni Direk Remton Zuasola, tampok si Matt Daclan na istorya ng isang batang ama na pinipilit na malutas ang isang krimen pero kalaunan ay naging kriminal nang ma-kidnap ang sariling anak. Ginawa nito ang Damgo ni Eleuteria, Biyernes, Bi­yernes at Soap Opera.

Tampok naman sa entry na Imbisibol si Lawrence Fajardo. Ilan sa ginawa niya ang Raket ni Nanay, Posas at The Strangers.

Si Jim Libiran ay ‘di lang director kundi aktor, writer at producer na res­ponsible sa Cinemalaya’s Best Film ng 2007 gaya ng Tribu, Happy Land at short film na Batch 2011.

Ngayong taon ay idinirihe niya ang Ninja Party. Istorya ito ng mga ka­bataang babae ng isang esklusibong Catholic school na nakatuklas ng sikretong sexual rites.

Si Zig Dulay naman ay kilala sa mga pelikulang Huling Halik, Missing, at M: Mother’s Maiden Name. Ang kanyang entry sa Sinag Maynila na Babanti ay istorya kung hanggang saan kayang protektahan ng isang ina ang anak mula sa kapangyarihan ng mga tao na ginagamit ang yaman at posisyon para itago ang maling gawain.

Direktor naman ng Death by Gokkun (Japanese term, meaning swallow) tampok si Oliver Aquino tungkol sa mga taong nabubuhay sa dalawang katauhan gaya ng tricycle driver na nagtatrabaho sa araw pero sex worker naman sa gabi. Isa ring karak­ter si Marie na ganun din ang gawain sa sex trade na isang masalimuot na istorya ng buhay.

vuukle comment

BALUT COUNTRY

BEST FILM

DIREK REMTON ZUASOLA

GOKKUN

HAPPY LAND

HULING HALIK

LAWRENCE FAJARDO

NINJA PARTY

SINAG MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with