^

PSN Showbiz

Mas nakatipid daw kampo ni Chiz ‘natuwang’ hindi nakadalo si P-Noy sa kasal?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kapatid na ni Sen. Chiz Escudero ang tatayong best man sa kasalang Chiz at Heart Evangelista na magaganap ngayong hapon sa Balesin Island, Quezon Province.

Ayon sa isang nasa Balesin na kasama sa grupo ni Sen. Chiz, from the start talaga ay dinis-courage na nilang pumunta doon si Presidente Noynoy Aquino dahil kailangan ng maraming security. Ang lawak nga naman ng Balesin, ilang ektarya ‘yun. Eh open ang lugar although hindi basta-basta puwedeng makapasok doon dahil by air lang ang mga guest sa membership island, kaya mas kailangan ng mas maraming PSG. Eh baka naman daw mapuno pa ang isla. Tapos kung marami pang security, mas marami pa raw pakakainin. Eh mahal nga naman doon ang mga restaurant. Walang turo-turo doon. Eh nagtitipid nga raw si Sen. Chiz sa mga gastusin kaya hindi na rin talaga advisable na nandun din ang presidente ng bansa na hindi pa rin tinatantanan ng bashers dahil sa hindi pagsalubong sa Fallen 44 at sa pagiging kaibigan sa nagbitiw na PNP chief na si Allan Purisima. Plus may kudeta isyu pa, so mas maigi na ‘yung hindi na siya magpakita sa kasal nina Chiz at Heart.

Anyway, as of yesterday ay medyo mahangin at maulan-ulan pa rin daw sa Balesin kaya handang-handa raw ang plan B na pagdarausan ng seremonya ng kasalan ngayong araw.

Ultimate singers hindi nagpatalbugan

Ibang klase ang ginanap na Ultimate concert ng heavyweights veteran singers natin na sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Lani Misalucha and Gary Valenciano sa unang gabi ng kanilang two-night concert sa MOA Arena.

Ang nasabing concert ang unang pagkakataon na nagsama-sama sila sa isang stage kaya naman jampacked ang MOA Arena.

Walang patalbugan na naganap dahil may kanya-kanya silang moment at kinanta nila ang mga signature songs nila.

Wala silang masyadong spiels kaya puro kantahan ang naganap na hindi lang basta mga love songs. Nag-duet pa ng gospel song sina Regine and Gary at naghandog naman si Martin ng kanta sa mga napatay na SAF 44.

Pero ang walang kapaguran sa mahigit na dalawang oras nilang concert na nag-umpisa ng almost 9:00 p.m. na ay si Martin Nievera.

Meron number na magkakasama silang apat, meron kanta sina Martin and Gary at sila Regine at Lani na parehong ibang klase ang boses.

Pero ang pinaka-gusto ko sa lahat ay ang Sirena version ni Lani M. Yup, binanatan niya ang nasabing kanta at sa true lang nakakaaliw kaya naman tilian at palakpakan ang mga nanood. Kahit nga si Regine ay puring-puri ang boses ni Lani.

Pero wala ka talagang itulak-kabigin sa kanilang lahat. Ito ang bihirang pagkakataon na narinig silang kumanta na magkakasama.

Siguradong matatagalan bago masundan ang ganitong klase ng concert.

Mga pelikula nina FPJ, Dolphy at marami pang klasikong pelikula mapapanood ‘pag may black box

Nagkaroon ng ceremonial switch-on para sa opisyal na paglulunsad ng ABS-CBN TV Plus o mas kilala bilang ‘mahiwagang black box’ kamakailan (Pebrero 11) na pinangunahan ni ABS-CBN chairman Eugenio Lopez III, president at CEO na si Charo Santos-Concio, at ABS-CBN head of access na si Carlo Katigbak.

“Digital terrestrial television (DTT) is a major investment for ABS-CBN, but it is actually investing in our fellow Filipinos. Naniniwala ka­ming ang inspirasyon at impormasyong dadalhin ng di­gital TV sa ating mga tahanan ay magbubukas ng mga bagong oportunidad sa bawat pamilyang Pilipino,” ayon kay Mr. Lopez.

“Ang mahiwagang black box ay matagal nang pangarap ng ABS-CBN para sa mga kababayan nating hindi nakakapanood ng malinaw na TV. Ngayon magbabago na ang lahat para sa kanila,” pahayag ni Concio.

“Nakasara na rin kami ng deals sa pinakamalalaking film companies para makabuo ng film library ng Pinoy idols gaya nina Fernando Poe Jr., Dolphy, Robin Padilla, Asian action films, at English movies para sa ating viewers. Nakakuha rin kami ng children’s entertainment programs mula sa Nickelodeon at iba pang studios,” sabi naman ni Leng Raymundo, ang head ng ABS-CBN Program Acquisitions and International Sales Distribution, na siyang namamahala sa pagkuha ng content para sa mga channel.

Mabibili ang mahiwagang black box sa one-time payment price na P2,500 na walang dagdag na monthly o installation fee. Sa ngayon, mabibili ito kasama ang isang ABS-CBNmobile prepaid SIM card na may P50 load na maaaring gamitin upang mag-text, tumawag, mag-surf sa Internet, at manood ng paboritong Kapamilya programs sa pamamagitan ng iWanTV app.

Ang terminong ‘mahiwagang black box’ ay pinasikat ni Ted Failon sa patok na promo contest sa programa niyang  Failon Ngayon sa DZMM.

ABS

ALLAN PURISIMA

BALESIN

BALESIN ISLAND

CHIZ

MARTIN NIEVERA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with