^

PSN Showbiz

Aktres nako-konsensiya sa ginawang pangloloko sa ex na nag-alaga sa kanya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Gumagawa ng paraan ang isang aktres para magkrus ang landas nila ng kanyang dating boyfriend na aktor. Kung sinu-sino ang kinakausap ng babae, naghahanap siya ng tulay, pero walang tumutulong sa kanya.

Simple lang daw ang gustong mangyari ng aktres, isang simpleng paglilinawan lang tungkol sa kanilang paghihiwalay, hindi raw niya hinahabol ang aktor na mukhang nakapag-move-on na ngayon.

Pero walang naniniwala sa gustong mangyari ng aktres, lahat ng kausapin niya ay kumokontra sa takbo ng kanyang kuwento, isa pa ay hinding-hindi papayag ang nakahiwalay niyang aktor na makita siya nang harap-harapan.

Sabi ng isang source, “Guilty kasi siya. Nu’ng sila pa ng ex niya, e, meron na rin silang something ng aktor na ipinalit niya. Nagsabay ‘yung dalawa, niloko niya talaga ang ex niya!”

Nababagabag na siguro ngayon ang aktres sa kanyang ginawa. Nag-iisa lang siya sa puso ng aktor, inalagaan pa siya nito at tinutulungan sa kanyang career, pero nagawa pa niya itong saktan.

“Naka-move-on na si ____(pangalan ng ex ng aktres), productive na uli siya, totoong sobrang nasaktan ‘yung tao sa ginawa ng girlfriend niya, pero hindi lang naman siya ang nag-iisang babae sa mundo,” napapailing pang komento ng isang common friend nila.

Nu’n, kapag maraming naiinis sa aktres dahil sa kanyang kamalditahan, ay agad nang nakasalo sa kanyang mga kakapusan ang lalaki.

Ito ang nanghihingi ng paumanhin para sa kanyang girlfriend, salo lang nang salo ang aktor, may boyfriend na siya ay may PRO pa.

“Kulot ang takbo ng utak ng babaeng ‘yun, kasing-curl ng hair niya!” paismid pang kuwento ng aming source.

Ubos!

Concert produ maraming sabit, sinisiraan pa si AiAi

Magpainterbyu man nang maghapon at magda­mag ngayon si Jacob Fer­nandez, ang prodyuser ng kinanselang pre-Valentine concert ni AiAi delas Alas, ay wala nang maniniwala pa sa kanya.

Naglalabasan na ang mga ebidensiya tungkol sa kanyang kapabayaan, sa mga salita pa lang ng kampo ni Richard Yap na nag back-out sa show ay tupok na tupok na ang prodyuser, paano pa kapag nagsalita na ang may-ari ng mga nirentahang equipments para sa concert na ni downpayment lang ay wala rin palang naibayad si Jacob?

Napakalaking kahihiyan ng nangyaring ito para kay AiAi, naturingan siyang Comedy Concert Queen na nagpapaapaw sa mga venue na pinagtatanghalan niya, pagkatapos ay nakansela ang kanyang palabas nang wala naman siyang kasalanan?

May mga kinausap pang kolumnista si Jacob nu’ng mismong gabi ng kanselasyon ng show, ayon sa prodyuser ay hiyang-hiya raw ito kay AiAi, pero kasabay rin naman ‘yun ng kanyang mga dispalinghadong katwiran.

Galit na galit ang mga nakabili na ng tickets para sa concert, tawag daw sila nang tawag sa numerong ibinigay ng produksiyon para sa refund ng kanilang pera, ring lang nang ring ang phone.

Kailangang panagutan ngayon ni Jacob at ng kanyang partner na si Faith Cuneta ang lahat ng mga naghahabol, nasa kanila ang pera at wala kay AiAi, sila ang kailangang magbalik ng pera ng mga ticket buyers na naunsiyami sa hindi pagkakatuloy ng concert.

COMEDY CONCERT QUEEN

FAITH CUNETA

KANYANG

LANG

NANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with