^

PSN Showbiz

Ayaw talaga kay Kris Derek umaasa na ang bagong GF na ang susunod na magiging misis

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Model-turned actor-TV host Derek Ramsay is currently seeing a non-showbiz girl, ten years youn­ger than him at may 8-year-old daughter.

Since bago pa lamang ang relasyon ni Derek sa kanyang GF, he’s taking it slowly at umaasa siya na mag-work ito nang matagal at sana’y ito na rin ang susunod niyang mapapangasawa.

Kahit hindi naging matagumpay ang unang marriage ni Derek sa una niyang asawa na si Mary Chris­tine Jolly kung kanino siya may 11-year-old son na si Austin, looking forward pa rin si Derek na mag­karoon ng isang buo at masayang pamilya tulad ng kanyang mga magulang na mahigit 40 na taon na ring nagsasama.

Although ilang beses nang nali-link si Derek sa Queen of All Media na si Kris Aquino, consistent pa rin si Derek sa pagsasabi na special friend niya ang pre­sidential sister at wala umano silang romantic involvement sa isa’t isa.

Sina Kris at Derek ay may gagawing pelikula under Star Cinema, Regal Films, Quantum Films, at Kris Aquino Productions na may titulong Che­mistry.

Aware din si Derek sa pinagdaraanan ngayon ni Kris and he’s there for her bilang isang matalik na kaibigan.

Heart hindi kumpleto ang kaligayahan

Dalawang araw na lamang at ikakasal na ang engaged couple na sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa isang eksklusibong lugar sa Balesin Island, Quezon Province on February 15. Pero hindi pa rin sigurado kung dadalo ang mga magulang ng singer-actress na umaasa pa ring magbabago ang isip ng mga ito.

It is a public knowledge sa personal na pag-ayaw ng parents ni Heart na sina G. Rey Ongpauco at Gng. Cecilia Ongpauco lalung-lalo na ng kanyang ina sa kanyang magiging mister na senador.

Wala na sigurong pinakamagandang regalo sa kanyang ika-30th birthday bukas, February 14 at sa kanyang kasal kung dadalo ang kanyang mga ma­gulang sa naturang kasalan.

Dahil sa wedding nila ni Sen. Chiz, Heart is currently on leave sa Sunday All Stars at Startalk.

BALESIN ISLAND

CECILIA ONGPAUCO

CHIZ ESCUDERO

DEREK

DEREK RAMSAY

HEART EVANGELISTA

KANYANG

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with