Dalawang nabalo sa typhoon Yolanda, nagka-inlaban!
MANILA, Philippines – Ngayong Sabado (February 14), bibida sina Mylene Dizon at Gardo Versoza sa isang kakaibang Valentine’s Day na kwento na hatid ng Magpakailanman sa episode na pinamagatang Love after the Storm: The Juvilyn Luaña-Tañega Story. Tungkol ito sa dalawang biktima ng Typhoon Yolanda na matapos mawalan ng kanilang mga minamahal, ay nakahanap ng pagkalinga at malasakit sa isa’t isa.
Normal sa mga tao ang malungkot at maging mapag-isa tuwing nagda-dalamhati. Kaya naman marami ang nagulat kay Juvilyn Luaña-Tañega sa kung paano niya tinatanggap ang pagkamatay ng kanyang asawa’t mga anak. Pinilit kasi nitong maging masaya, at hindi matulad sa mga kababayan niyang nawawala na sa sarili dahil sa kanilang pagluluksa.
Subalit anong lungkot ang tinatago niya sa likod ng kanyang mga tawa’t ngiti? At paano ito mapupunan ni Joel, na tulad ni Juvilyn ay naging biyudo nang dahil sa pananalanta ng Bagyong Yolanda?
Sa piling ng isa’t isa, mahahanap nina Juvilyn at Joel ang bagong dahilan para magpatuloy sa buhay— ngunit paano tatanggapin ng mga tao ang kanilang pagmamahalan pagkatapos ng kanilang mga pinagdaanan? Posible ba talaga ang love after the storm para sa kanilang dalawa?
Love After the Storm: the Juvilyn Luaña-Tañega Story will explore the kind of love na nakaka-kilig pa rin; love na may lalim, may maturity, at may mas matinding hadlang: ang kanilang mga pinagdaanan nang kani-kaniyang true love stories.
Kasama rin sina Gene Padilla, Ar Angel Aviles, Jenny Alvarez, Don Umali, Francine Garcia, at Roi Vinzon.
Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong darating na Araw ng mga Puso, Saturday, February 14, pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.
- Latest