Heart umaasang hindi matitiis ng mga magulang
Dalawang celebrity couple ang nakatakdang ikasal sa Araw ng mga Puso, sina Yeng Constantino at Yan Asuncion at sina Cesca Litton at Tyke Kalaw na susundan naman nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista on February 15 na gaganapin sa Balesin Island in Quezon Province.
Until during the wedding nina Sen. Chiz at Heart ay doon lamang siguro malalaman kung sisipot o hindi ang parents ng dalaga. Matiis kaya ng mga magulang ni Heart na siya’y mag-isang maglakad patungong altar sa kasal ng kanilang (dating) paboritong anak?
Ryan Cayabyab minamanok na para maging National Artist
Wala marahil sasalungat kung mano-nominate si Maestro Ryan Cayabyab sa pagiging National Artist sa larangan ng musika. Ito’y casual naming napag-usapan nina Ricky Lo, Ronald Constantino at Manay Lolit Solis sa presscon ng MuSIKATin concert ni Ogie Alcasid na nakatakdang ganapin sa Philippine Arena on February 20 sa ganap na ika-8 ng gabi kung saan tatayong musical director si Maestro Ryan kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Si Maestro Ryan din ang MD (musical director) ng two-night sold out concert ng Ultimate nina Martin Nievera, Regine Velasquez, Gary Valenciano at Lani Misalucha sa Mall of Asia Arena on February 13 & 14.
Sa kapal ng credentials ni Maestro Ryan, walang rason na hindi siya tanghaling National Artist balang araw.
Si Maestro Ryan ang tumatayong executive director ng Philippine Popular Music Festival (PhilPop), isang taunang competition para sa mga amateur at professional songwriters at singers.
Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aming isipan ang Ryan Ryan Musikahan, ang multi-awarded TV musical show na nakakuha ng 14 awards bilang Best Television Musical Show.
Up to this day ay isa pa rin si Maestro Ryan sa pinaka-in demand bilang musical director at conductor sa iba’t ibang major concerts and shows at labas pa rito ang kanyang pagiging mahusay na composer at arranger.
Ogie natsa-challenge sa concert sa Philippine Arena
Napakalaking challenge marahil sa singer-composer-TV host-comedian at pangulo ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) na si Ogie Alcasid ang magtanghal sa pinakamalaking Philippine Arena dahil meron itong 55,000 seating capacity na matatagpuan sa Bulacan.
Si Ogie ang frontliner sa kauna-unahang major concert na gaganapin sa Philippine Arena na pinamagatang MuSIKATin, a concert featuring 100% Filipino songs kung saan niya makakasama as special guests ang mga music icons na sina Hajji Alejandro, Rey Valera at Vernie Varga kasama sina Michael V., Angeline Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Gloc-9 at Jett Pangan ng The Dawn.
Mapuno man o hindi ni Ogie ang Philippine Arena, malalagay sa record at kasaysayan ng nasabing venue na ang mister ni Regine Velasquez ang kauna-unahang Filipino artist na nagkaroon ng major concert sa naturang lugar.
- Latest